Chapter Seven Malalim na ang gabi. Sa maliit na kwarto natulog si Regiena. Sa ibabaw siya ng papag samantalang sa ibaba naman si Roland. Nasa sala naglatag ng banig si Jelor. Hindi maayos na makatulog si Regiena. Kaya naman agad siyang nagising ng makarinig siya ng mga impit na ungol at mga halinghing. Kaagad siyang bumangon. Wala si Roland sa higaan nito. Paglabas niya ng kwarto ay inabutan naman niyang nakahiga at natutulog pa rin si Jelor. Sinundan niya ang pinagmumulan ng mga tunog. Napansin niya na nakabukas ang ilaw sa maliit na palikuran ng bahay. Gawa lamang sa kahoy ang pinto 'non. Hindi rin siya maaaring magkamali. Doon nagmumula ang mga ungol at halinghing. "M-may..." magsasalita na sana siya ngunit binawi niya iyon. Naunahan siya ng kyuryosidad ng makarinig siya ng usapan mul

