Chapter 23 "Sino ang Mahiwagang Babaylan? Tara na dalhin mo ako sa kanya. Napakarami kong katanungan sa kanya." Anyaya ni Regiena nang marinig kay Alex kung nakanino ang mga kasagutan sa kanyang mga tanong. "Siya ang isinumpang babaylan ng langit dahil sa lihim na ginawa niya para kay Satanas. Siya ang lumikha ng itim na salamin." Tugon nito. Saka niya naalala ang itim na salamin na tinutukoy nito. Iyon ang dahilan ng mga una niyang pagdurusa nang siya ay maging fallen angel dahil kay Sonia. "Kung siya ang lumikha ng itim na salamin ay malamang makapangyarihan nga siya." "Makapangyarihan, oo. Ngunit pinarusahan na siya ng langit. Ikinulong siya sa buwan. Tuwing unang gabi lamang ng kabilugan ng buwan siya nakakalaya at nakakapamasyal sa mundo." "Kung gayon sa unang gabi ng kabilugan n

