Chapter 22

2039 Words
Chapter 22 "Mapapahamak ka Alex! Iwan mo nalang ako! Iwan mo nalang din ang bangkay ni Aling Mildred. Hindi ako masasaktan ni Damian dahil sa puting kristal, hindi ba?" Bulalas ni Regiena. Ayaw niya itong mapahamak, kung anuman ang lalaki. Wala siyang alam sa iba pang elemento kundi anghel at demonyo lamang bilang isa siyang fallen angel. Ngunit namumuhay na siyang tao ngayon. Ayaw niyang mapahamak ang lalaki nang dahil sa kanya. "Bitawan mo si Regiena." Mahina at mahinahong utos ni Alex kay Damian. "Inuutusan mo ba ako Alex?! Kayo ang walang sabing pumasok sa tahanan ko! Sinama mo pa ang mortal na ito para kunin ang bangkay na pag- aari ko! Hindi mo ako mauutusan at matatakot ngayon! Kung hindi ko man mapatay si Regine ngayon sisiguraduhin kong hindi ka na mahuhusgahan pa ng langit o ng impyerno! Mawawala kang parang bula! At mapapasakin ang bangkay na yan!" Galit na tugon ni Damian sa kanyang likuran. Kitang- kita niya ang laway nito na nagtatalsikan mula sa kanyang likuran. Napakabaho rin ng hininga nito. Amoy impyerno. "Bibilang ako ng sampu Damian. Bibitawan mo si Regiena bago ako matapos magbilang at hahayaan mo kaming umalis kasama ang bangkay na ito." Mahinahon pa rin si Alex. "Hahahahahaha! Hinahanap mo talaga ang pagkawala mo Alex! Nagpapatawa ka!" Reaksyon ni Damian na may kasama pang tawang demonyo. "Alex please tara na. Ayokong mawala ka. Ayokong mapahamak ka nang dahil sa akin. Alam kong hindi ko nakukwento ang tunay mong pinagmulan at patutunguhan pero ayokong mawala ang lahat ng iyon nang dahil sa akin. Tara na Alex umalis na tayo." Muli niyang pakiusap sa lalaki habang muli na namang pumatak ang luha sa kanyang mga mata. "Pakinggan mo ang mortal! Pakinggan mo si Regine, Alex! Umalis na kayo! Iwan niyo ang bangkay! Dahil kung hindi ay hindi ako magdadalawang isip na gawin kang abo!" Sigaw ng demonyo. Nilapag ni Alex ang bangkay ni Aling Mildred sa lupa. "Hahahahahaha! Madali ka naman palang kausap eh Alex! Magaling! Magaling! Hahahaha!" Saka lumapit si Damian upang kunin ang bangkay. Dagli namang lumapit sa kanya si Alex. "Lumayo ka na muna. Magtago ka sa likod ng mga puno. Dali!" Saad ng lalaki sa kanya. Sinunod naman niya ito. Nagtago siya sa isang malaking puno sa malapit. Kitang- kita niya kung paano sumigaw si Damian nang hawakan ang bangkay ni Aling Mildred. "Aaaaaaaaaaaah! Aaaaaaah!" Saka nito hinarap si Alex. "Nilagyan mo ng puting kristal ang bangkay! Lapastangan ka Alex! Kinakalaban mo talaga ako!" Napangiti si Regiena sa narinig. "Oo Damian. Hindi mo na mahahawakan ang bangkay na yan!" Palabang tugon nito. Bigla tuloy mas lumakas ang dating ni Alex para sa kanya. Iyon pala ang dahilan kung bakit hindi ito natatakot sa demonyo. "Gagawin kitang abo!" Sa isang iglap ay naglaban ang dalawa. Napakabilis ng mga pangyayari. Nagsuntukan. Nagsipaan. Nagbalibagan ang mga ito. Hanggang sa pareho itong napaupo. "Anong nangyari? Bakit ang lakas mo? Kung tutuusin ay tao ka nalang ah? Wala pang pasya sayo ang langit at impyerno." Hinigingal na saad ni Damian. He smirked. "Bakit ko naman sasabihin sayo? Hindi mo ako matatalo Damian." Naglakad ito palapit sa demonyo. "Alam ko ang mga sikreto mo. Alam kong myembro ka ng Illuminati at isa ka sa representative ng grupo rito sa Pilpinas. Balak niyong muling pabagsakin ang simbahan upang mawalan ng tiwala ang mga tao sa langit. Kung hindi mo kami papaalisin ni Regiena kasama ang bangkay ng maayos at matiwasay ay makakarating sa guardiya ng lupa ang tunay niyong pakay. Isa pa. Pinatay mo ang bangkay na ito. Mahigpit na ipinagbabawal ng guardiya ng lupa na pumatay ng mortal kahit pa kayong mga demonyo. Pwede niyong tustusan ang mga tao pero hindi pwedeng kayo ang gumawa ng pagpaslang. Ang bangkay na yan ang magiging ebidensya mismo sa ginawa mo. Ngunit kakalimutan namin ang lahat ng iyon kung paalisin mo kami at kung titigilan mo na si Regiena." Laking gulat niya sa mga rebelasyon na iyon ni Alex. Napakarami nitong nalalaman. Halata rin ang labis na pagkagulat kay Damian. Tila hindi nito inasahan ang nga sinabi ni Alex. "P- paano mo nalaman ang tungkol sa Illuminati sa Pilipinas?" Nauutal na tanong ng demonyo. "Hindi ko sasabihin sayo. Pero ito ang tandaan mo Damian, kailangan niyong mag- ingat at wag na wag na kayong kikitil ng buhay ng mga mortal." Saka lumapit si Alex sa bangkay ni Aling Mildred at muli iyong kinuha upang buhatin. "Aalis na kami. Walang pupunta sa pulis bukas. Wala nang mangugulo kay Regiena. Mananahimik ako." "Aaaaaaaah!" Saka naglahong parang bula si Damian. Dali- dali siyang lumapit kay Alex ay mahigpit na niyakap ang lalaki. "Pinag- alala mo ako. Hindi ko akalaing may mga baon ka pala. Maraming salamat Alex. Masaya ako dahil niligtas mo ako at kinuha mo ang bangkay ni Aling Mildred. Masaya rin ako dahil ligtas ka." "Hindi ba't sabi ko ipagtatanggol kita. Lalaban ako para sayo Regiena hanggang sa makapag- desisyon na ang langit sa akin." Nanatili siyang nakayakap dito sa loob ng ilang minuto. Dinama niya ang malamig nitong katawan at ang dibdib nito ba parang walang puso. Ganon pa man ay muli siyang nakaramdam ng comfort at safety sa piling nito. "N- nasobrahan ka yata ng pagkakayakap sa akin." Nauutal at mahinang saad nito. "Kumapit ka." Saka sila naglaho at biglang napunta sa loob ng kanyang kwarto. Tulad na ang kanyang anak at nasa kabilang kwarto naman ang bago nilang yaya. Si Alex naman ay nawalan ng malay. Kasama nila ang bangkay ni Aling Mildred. "Huy Alex. Gising. Anong nangyari sayo? Gising Alex." Ngunit patuloy lang ito sa pagtulog. "Kailangan pa nating bigyan ng maayos na libing si Aling Mildred at dalhin ang bangkay niya sa kanyang pamilya." Kumuha siya ng bimpo at binasa iyon. Pinunasan niya si Alex. Binuksan niya ang mga butones ng suot nitong polo. Napakaganda ng katawan nito. Mayroon itong abs. Parehong- pareho kahit ang katawan nito sa katawan ni Jelor. "S- sino ka ba talaga Alex? Sino ka?" Makalipas ang isang oras ay nagising na ito. "N- nasaan ako?" Tanong nito. "Nandito ka sa kwarto ko. Nawalan ka ng malay kaninang niyakap kita. Pagkahatid mo sa akin dito ay nakatulog ka nalang." Tugon niya. "Aaah... naalala ko na. Bigla nga akong nakaramdam ng kakaiba sa yakap mo." "Malalim na ang gabi Alex. Pero kailangan na nating maibalik sa pamilya niya ang bangkay ni Aling Mildred." Saad niya. "Kailangan natin ng tulong ni Angela. Tara." Saka sila muling naglaho at napunta sa backstage ng bar. "Alex kanina ka pa namin hinahanap! Hindi kami nakapag- perform dahil wala ka. Saan ka ba galing?" Bungad ni Angela. "Malamang ayan oh! Kasama na naman niya ang mortal. At may kasama pa silang bangkay." Saad naman ni Santo. "Sino ang bangkay na yan?" Tanong ni Angela. "Pinatay siya ni Damian." Tugon ni Alex. "Ano?!" Sabay- sabay na tugon ng tatlo. "Kung gayon kailangan na nating sabihin sa guardiya ng lupa ang ginawa ni Damian." - Angela. "Wag na muna. Mag- stick tayo sa original plans natin. Hintayin na muna natin ang desisyon sa atin ng langit bago tayo gumawa ng aksyon. Sa ngayon kailangan na muna naming ibalik ni Regiena anh katawan ng babaeng ito sa pamilya niya. Kailangan namin ang kwintas ng hipnotismo para mapalabas namin sa pamilya ng babaeng ito na namatay siya sa normal na paraan at para hindi na rin magkaroon pa ng pag- iimbestiga si Kamatayan sa pagkamatay ng babae." Saad ni Alex. "Nahihibang ka na ba Alex? Para na rin nating pinagtakpan ang ginawang krimen ni Damian." Pagkontra ni Santo. "Please. Nakikiusap ako. Just this one. Hayaan na natin si Damian. May plano naman na tayo sa kanya hindi ba? Sundin nalang natin 'yun. Ito lang din ang paraan para tigilan na ni Damian si Regiena." "Ayun! Sinasabi ko na nga ba at may kinalaman na naman sa babaeng yan ang desisyon mo! Ipapahamak mo tayo eh Alex sa ginagawa mong pagtatanggol sa babaeng yan!" Halos lamunin na si Regiena ng lupa dahil sa matinding pagtutol ni Santo sa mga desisyon ni Alex. "Nararamdaman kong mapapakinabangan natin pagdating ng panahon si Regiena. May kakaibang aura sa kanya. Kaya sige pagbibigyan ko si Alex na gamitin ang kwintas ng hipnotismo." Pagsang- ayon naman ni Angela na ikinagulat niya. "Ano? Bahala nga kayo!" Saka lumabas ng silid si Santo. Inabot naman ni Angela kay Alex ang pinag- uusapan nilang kwintas ng hipnitismo. Isa iyong puting kwintas na may bilog na puting pendant. "Heto ang kwintas. Pahiram ng pulang kristal mo. Muli kong babasbasan upang hindi makita ng guardiya ng lupa ang mga ikinikilos mo." Inabot rito ni Alex ang isang kristal na kulay pula naman. "Maraming salamat Angela." "Sige na. Umalis na kayo. Malalim na ang gabi." Sa Batangas ang bahay ni Aling Mildred. Sa isang iglap ay napunta sila roon. Ginamit ni Alex ang kwintas upang paniwalain ang pamilya ng matanda na namatay ito sa natural na paraan. "Maraming salamat sa lahat ng tulong mo sa akin Alex. Hindi ko maipapangakong huli na yan. Pero sana tama si Angela. Sana dumating ang panahon na kayo naman ang matulungan ko." Nasambit ni Regiena matapos ang lahat ng ginawa ni Alex para sa kanya sa gabi palang na iyon. Ngumiti lang ito. "Ayoko nang ulitin pa Regiena pero lahat gagawin ko para sayo." "Salamat Alex. Ngunit gusto na kitang mas makilala. Gusto ko nang mas maintidihan ang lahat. Ito ang isa ko pang kahilingan sayo hindi ba?" "Oo sige. Kailangan mo nang makita ang Mahiwagang Babaylan." .......... Shot guns and roses Make a deadly potion Heartbreak explosions In reckless motion Teddy bears and "I'm sorry" letters Don't seem to make things better Don't bury me alive Sweet talkin' alibi But I can't stop the rush And I can't give you up No I know you're no good for me You're no good for me I fell in love with the Devil And now I'm in trouble I fell in love with the Devil I'm underneath his spell (Oh) Someone send me an angel To lend me a halo I fell in love with the Devil Please save me from this hell (Oh) Got me playin' with fire (Playin' with fire) Baby, hand me the lighter (Hand me the lighter) Tastes just like danger (Tastes just like danger) Chaotic anger But I can't stop the rush And I can't give you up No I know you're no good for me You're no good for me I fell in love with the devil And now I'm in trouble I fell in love with the Devil I'm underneath his spell (Oh) Someone send me an angel To lend me a halo I fell in love with the Devil Please save me from this hell (Oh) Angels and Devils always fight over me (Fight over me) Take me to heaven Wake me up from this dream Even in sunlight Clouds shadow over me (Shadow on me) It's now or never, wake me up from this dream I fell in love with the Devil And now I'm in trouble I fell in love with the Devil I'm underneath his spell Someone send me an angel To lend me a halo I fell in love with the Devil Please save me from this hell (This hell) Dig deep, six feet (Ahh, ahh, ahh, ahh, ahh, ahh, ahh) Dig deep, it's killin' me (Ahh, ahh, ahh, ahh) I fell in love with the Devil (Ahh, ahh, ahh, ahh, ahh, ahh, ahh) Dig deep, six feet (And now I'm in trouble) (I fell in love with the Devil) Dig deep (Ahh, ahh, ahh, ahh) It's killin' me I fell in love with the Devil And now I'm in trouble I fell in love with the Devil I'm underneath his spell Someone send me an angel To lend me a halo I fell in love with the Devil Please save me from this hell (This hell) Dig deep, six feet (Ahh, ahh, ahh, ahh, ahh, ahh, ahh) Dig deep, it's killin' me (Ahh, ahh, ahh, ahh) I fell in love with the Devil (Ahh, ahh, ahh, ahh, ahh, ahh, ahh) Dig deep, six feet (And now I'm in trouble) (I fell in love with the Devil) Dig deep (Ahh, ahh, ahh, ahh) It's killin' me
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD