bc

TEMPTED CRUISE XX: Unleased Desire

book_age18+
91
FOLLOW
1.0K
READ
HE
escape while being pregnant
kickass heroine
single mother
heir/heiress
addiction
like
intro-logo
Blurb

New story ko po ito and need ko po gumawa Ng prologue. Sa may prologue po nakasaad ang lahat Ng info at pangyayari sa may mismong storya.

chap-preview
Free preview
Prologue
Prologue Laicel’s POV “Lagi na lang kitang naaabutan na may kasamang babae...” mahina kong saad, halos hindi ko na makontrol ang panginginig ng boses ko habang pinagmamasdan siya. "Everytime na nagyayari ‘yon, Cassiel... mas lalo akong nasasaktan." Umiiyak na ako, pero wala kahit anong pagbabago sa ekspresyon ng mukha niya. Para bang sanay na siya sa ganitong eksena, o baka naman... wala talaga siyang pake. “Nasasaktan?” ulit niya, may halong mapait na ngiti sa labi. “Laicel, bakit ka masasaktan? Anong karapatan mo?” Napatingin ako sa kanya, umaasang kahit konting lambing, kahit kaunting awa, pero wala. Sobrang linaw ng mga mata niya — diretso, matalim, parang kutsilyong unti-unting pinupunit ang puso ko. “Simula pa lang, sinabi ko na sa’yo.” malamig niyang saad. “Wala tayong label, Laicel. Hindi kita girlfriend. Hindi kita mahal. At lalong hindi ko kailanman pinangakong ikaw lang.” Humigpit ang hawak ko sa laylayan ng damit ko, pilit pinipigilang humikbi. Gusto kong sumigaw, gusto kong magalit, pero paano ko ipipilit ang sarili ko sa isang taong kailanman hindi naman ako pinili? “Kasama mo ako sa kama, oo. Pero ‘yon lang ‘yon.” tuloy niya, walang pakialam sa luhang tuluyan nang bumagsak sa pisngi ko. “Parausan lang tayo, Laicel. Alam mo ‘yan.” Napalunok ako, pilit nilulunok ang pait ng katotohanan. “Walang masama kung makita mo akong may kasamang iba. Normal lang ‘yon. Hindi ikaw, hindi ako, hindi tayo — walang tayo. Wala dapat akong ipaliwanag.” Sa bawat salitang bitawan niya, para akong pinapatay ng dahan-dahan. Gusto kong sisihin ang sarili ko, kasi mula’t simula, alam ko namang bawal. Alam ko namang laro lang ‘to. Alam ko namang hindi ako mahalaga. Pero paano ko sasabihin sa kanya? Paano ko sasabihin na buntis ako? Paano kung ‘yung parausan lang niya, may dalang bunga? Sa sobrang sakit, hindi ko na alam kung alin ang mas mabigat — ‘yung katotohanang wala kaming label, o ‘yung katotohanang sa kabila ng lahat, minahal ko siya ng sobra. Tahimik lang siyang nakaupo sa gilid ng kama, yakap-yakap ang kanyang lumang stuffed toy — si "Bunso" — na tila naging saksi na sa lahat ng lungkot at kakulangan sa buhay niya. Hindi siya nagsasalita, pero kita ko ang malalim niyang paghinga, at ang paminsan-minsang pagpahid ng munting palad sa namumuong luha sa gilid ng mata niya. Lumingon ako sa kanya, nagtataka kung bakit biglang tumahimik ang anak kong palaging maingay at puno ng kwento kapag galing sa school. Pagkaraan ng ilang saglit, halos pabulong, halos hindi ko pa narinig, dahan-dahan siyang nagsalita. “Mommy...” Mahina, parang takot. Parang nag-iipon ng lakas ng loob. “Pwede po ba kitang tanungin?” dagdag niya, pero hindi niya magawang tumingin sa akin. Nakatitig lang siya sa hawak niyang laruan, pinipisil ang tainga nito, paulit-ulit, na para bang doon niya nilalabas ang kaba. “Anong pangalan ng daddy ko?” sunod niyang tanong, halos bulong, halos nauupos ang boses. Tumigil ang mundo ko. Pakiramdam ko, nabingi ako sa mga salitang iyon kahit sobrang hina. Para akong nilunod ng sariling konsensya. Tahimik siyang naghintay ng sagot, pero naramdaman kong may kasunod pa. Pinilit niyang ituloy kahit nanginginig ang boses niya. “Lagi po kasi akong inaasar ng classmates ko...” huminga siya ng malalim, pilit pinipigilang umiyak. “Sabi nila, wala daw akong ama.” Napapikit ako. Pilit kong nilulunok ang bigat sa lalamunan ko, habang pinagmamasdan ko ang bata kong walang kamalay-malay sa likod ng istoryang tinatago ko sa kanya. “Mommy... Totoo po ba ‘yon?” mahina niyang dagdag, bakas sa boses ang pagkabasag ng puso niya. “Wala po ba talaga akong daddy? O ayaw mo lang po sabihin?” Dahan-dahan niyang nilingon ang mga mata ko, puno ng inosenteng sakit at tanong. Hindi ako makagalaw. Ang sarap niyang yakapin at sabihing "nandito si Mommy," pero alam kong hindi sapat ang yakap para punan ang butas na matagal ko nang tinatago sa kanya. Paano ko sasabihin sa kanya, na ang taong hinahanap niya, ay kailanman hindi naghangad na maging bahagi ng buhay niya? Paano ko sasabihin, na sa mundo niya... ako lang talaga ang meron siya? Sa tahimik na gabing ‘yon, isang simpleng tanong ng bata ang nagpabigat ng mundo ko, at isang simpleng sagot ang hindi ko kayang ibigay. DISCLAIMER Ang kwentong ito ay gawa ng malikot na imahinasyon ng may-akda. Lahat ng karakter, lugar, at pangyayari ay kathang-isip lamang at hindi sinasadya kung ito man ay may pagkakahalintulad sa totoong tao, lugar, o pangyayari. Unleashed Desire ay may temang mature content, strong language, at sensitive scenes na hindi angkop para sa mga menor de edad o sa mga hindi komportable sa ganitong klase ng istorya. Expect: Intense emotions Explicit scenes Toxic relationships Reality bites — hindi puro fairy tale! Read at your own risk! Kung ikaw ay naghahanap ng wholesome, sweet, at puro kilig lang na kwento — turn back now. Pero kung handa kang sumabak sa mundong puno ng tukso, kasalanan, at sakit... Welcome aboard, Love. The ride won't be easy — but it will be worth it. AUTHOR'S NOTE — Welcome to "UNLEASHED DESIRE" — A Tempted Curse Collaboration Hi, Lovies! Una sa lahat, gusto ko kayong batiin ng isang mainit na welcome sa bago kong obra — isang kwentong hindi lang magpapa-init ng imahinasyon, kundi magpapa-sakit din sa puso ninyo. "UNLEASHED DESIRE" is not your typical love story. Walang fairy tale ending. Walang knight in shining armor. At lalong walang "forever" na pinangako. Tsaka hindi Po magiging possible ang aking obrang ito kung hindi ako nakatanggap ng invitation about sa tempted Cruise Collaboration! Thank you for inviting me ate Jona! Hi dear! shout out po sayo!! Hindi po talaga ako makapaniwala na isa Ako sa napakaraming Tagalog author Ang ma invite sa ganitong klaseng opportunity. I mean, newbie lang po ako and I still can't believe na sa Dami Ng sikat na author bakit Ako? Bakit ako? HAHA so balik na tayo sa kwento. Ito ang kwento ng dalawang taong nagtangkang laruin ang tadhana, sa lugar kung saan wala kang ibang mararamdaman kundi pagnanasa, tukso, at bawal na kasiyahan. Makikilala niyo si Laicel Haven Santos — isang dalagang adventurous, palaban, pero sa huli... puso rin ang nasusugatan. At si Cassiel Navarro Kingsley — isang lalaking mukhang perpekto sa panlabas, pero sa likod ng mapanuksong ngiti niya, may tinatagong dilim at katotohanang sisira sa lahat ng pangarap mong maging "kayo." Ang The Tempted Cruiser, kung saan naganap ang kanilang kwento, ay hindi lang simpleng barko — ito ang lugar kung saan hindi uso ang commitment, kung saan ang relasyon ay limitado lang sa init ng gabi, at kung saan ang "feelings" ay isang mortal na kasalanan. Warning: Sa kwentong ito, hindi laging masaya. Hindi laging kilig. May mga eksenang magpapasabik, magpapaiyak, magpapa-selos, at higit sa lahat... magpapa-realize sa inyo na minsan, ang pag-ibig ay hindi sapat para baguhin ang isang taong hindi kailanman naging iyo. Kung handa ka nang sumakay sa barkong ito, siguraduhin mong kaya mong dalhin ang pait, init, at bigat ng emosyon. Dahil once na pumasok ka sa mundo ng Tempted Cruise hindi ka na basta-basta makakaalis. So sit back, relax, and let your heart drown — Welcome aboard, sweetheart. Let the temptation begin. Love, yshanggabi

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

YAYA SEÑORITA

read
12.3K
bc

Devirginizing My Hot Boss

read
117.0K
bc

BAD MOUTH-SSPG

read
20.5K
bc

FALLEN VOWS ( SPG)

read
5.0K
bc

The Real About My Husband

read
35.4K
bc

Falling to the Virgin Single Mom

read
10.9K
bc

After Divorce: The Secret Wife Became The Zillionaires’ Princess

read
25.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook