Chapter 37 Suzanne Medina "Magandang umaga, Manang Liza at sa 'yo rin Michielyn," Bati ko nang maabutan ko sina Manang Liza at Michielyn na naghahanda ng pagkain sa kusina. Naging magkaibigan na rin kami ni Michielyn. Hindi naman pala siya masungit, hindi lang siya sana'y na may bagong salta sa mansyon. Lalo na't sa tingin niya ay isa itong mahina. Mahinang tulad ko. Ayaw niyang may pabigat kung sakaling magkaroon man ng gulo. Naintindihan ko naman si Michielyn. Pinalaki siya ng mga magulang niya na maging matapang upang maprotekhan at maipagtanggol ang sarili niya. At naalala ko, sinabi ni Manang Liza na hindi sila basta-basta katulong lang. They are all trained. "Magandang umaga rin sa 'yo, Hija. Ang aga mo yatang nagising ngayon. Diba, wala kayong pasok kapag sabado?" Sabi ni Manan

