Chapter 38 Aileen Lacsamana Kasalukuyan akong naririto sa convenience store upang bumili ng maiinom nang mamataan ko sa bandang dulo si Tita Sally De Silva, ang nanay ni Sir Marco na tila namimili rin. Akala ko ba nando'n si Tita Sally sa probinsiya nila dahil siya ang namamahala sa business ng namayapang nitong Tiyo habang nandito si Sir Marco sa siyudad. Anong ginagawa ni Tita Sally rito? Ano ka ba Aileen, ano naman sa 'yo kung nandito ang nanay ni Sir Marco? Lalapitan ko sana ito upang batiin dahil matagal-tagal na rin no'ng huli kaming nagkita nang may biglang bumangga sa akin at walang sabi-sabing nilampasan lang ako. Muntik pa nga akong masubsob sa rack buti na lang at mabilis ang relflexes ko at nakahawak agad sa isa pang rack. Gano'n na ba talaga ako kaliit upang hindi ni

