Chapter 39 Suzanne Medina "Ai, pinapasabi pala ni Manang Liza na bisitahin mo naman raw siya minsan sa mansyon," Ilang linggo na rin ang nakaraan simula no'ng umalis si Aileen ng mansyon at hindi pa rin niya binibisita si Manang Liza. Nangako pa naman ang babaita na dalas-dalasan niya ang pagbisita rito. Nangunot ang noo ko nang hindi ako pinapansin ni Aileen. Kanina pa ako salita ng salita rito tila wala naman itong naririnig. "Aileen!" Sabi ko sabay hinawakan siya sa balikat na ikinagulat niya. "Sh*t! Sh*t! Sh*t!" Bigla niyang natabig ang kape niya sa ibabaw ng mesa. Mabuti na lang at walang nakapatong na mga papel do'n. "Ano ba kasing nangyayari sa 'yo? May problema ka ba?" Nag-aalala na ako, ilang araw ko na siyang nakikitang balisa at hindi na rin siya nakakapag-focus sa pagt

