Chapter 58 Clay Hayes Kumusta na kaya si Suzanne ngayon? Maayos lang ba ang kalagayan niya sa poder ng De Silva na 'yon? Nalaman kong nagkita at magkasama na sila ng ina niya. Kung saan-saan pa namin hinahanap ang ina ni Suzanne, tinatago lang pala ni De Silva. Malamang sa malamang may masamang balak no'ng uma pa lang. "May dala ka bang maganda ngayon? " Tanong ko kay Adam- isa sa matatapat na tauhan ng HMO. Sa dami ng pangit na nangyari, inaasahan kong kahit papano makarinig ako kahit isang "Prime, wala na rin ang ina ni Lady Suzanne. Sinadyang patayin ito ni De Silva upang hindi na ito makapagsalita at magsabi sa anak sa totoong nangyayari sa paligid. Kung sino ang kakampi niya at sino ang hindi," Sabi ni Adam. Wala talagang awa 'tong De Silva na 'to. Sabagay hindi nakakapagt

