Chapter 56 Clay Hayes Pasado ala-una na ng mading araw nandito pa rin ako sa conference room upang pag-aralan ang ko planong pagbawi ko sa kompanya ng pamilya namin mula sa mga kamay ni Hector Salvatorre. Magmula ng bumalik kami palagi na lang dito sa conference room hindi lang dahil sa pinag-aaralang plano kundi pati na rin makaiwas kay Suzanne. Parang sinisisi ko siya sa muntikang pag-dukot kay Courage no'ng nakaraang araw kahit naman wala itong kasalanan. Sa kaka-protekta ko kay Suzanne nakalimutan kong may mas dapat akong protekhan. Ang nag-iisa ko na lang na pamilya. Ang kapatid ko. Tila inuusig ako ng konsensiya ko nang masira ko ang pangakong binitawan ko sa puntod ng mga magulang ko na po-protektahan ko ang kapatid. Kaya iniiwasan ko si Suzanne kahit na gustong-gusto ko na

