Chapter 55 Suzanne Medina Nakatingin lang ako sa labas ng bintana habang lulan ng taxi. Hindi ko maiwasang balikan ang mga araw na kasama ko ang mga taong inakala kong may mabuting intensyon sa akin. Hindi ko inakala na nagawa nila akong pagmukhaing tanga sa mahabang panahon sa kabila ng pinapakita kong kabutihan sa kanila. Si Manang Liza na kung makapag-alala sa akin no'ng bago lang akong salta at hindi kumakain ng isang araw. 'Yong nagkasakit ako, 'yong namatay si Aileen, lahat ng 'yon ay purong pagpapanggap lang ang pinapakita. Sina Sebastian, Mike, Heinz at marahil gano'n din si Alex. Lalong-lalo na si Clay na minahal ko pa sa maiksing panahon na kami nagkakilala. Tila, pinaglalaruan talaga ako ng tadhana. 'Yong gusto akong kunin ng pinagkakautangan ni papa, napunta ako sa poder

