Chapter 54 Suzanne Medina Mag-aanim na buwan ko ng hindi nakikita si Clay. Ang sabi nina Sebastian sa akin marami raw'ng inuutos ang Prime sa kanya at minsan pa nga raw ito ang pinapadala sa ibang bansa para dumalo sa mga meetings nito. Naisip ko tuloy, isang malaking tamad itong Prime na 'to. Lahat na lang na dapat nitong gawin ay inaasa nito sa mga tauhan. Kailan kaya babalik dito si Clay? Namimiss ko na ang lalaking 'yon. Namimiss ko 'yong paglalagay niya bulaklak araw-araw sa ibabaw ng mesa ko kwarto ko 'yong all out performance naming dalawa sa sa garden tuwing nagdidilig ng halaman, 'yong paghatid-sundo niya sa akin sa eskwelahan at 'yong pag-aalaga niya sa akin. Kahit namimiss ko ang lalaking 'yon, nagtatampo pa rin ako. Hindi man lang niya ako nakuhang batiin no'ng birthday

