Chapter 52 Kasalukuyang nagpupulong ang konseho ng Hayes-McCain Organization na kinabibilangan ni Clay at ng grupo nito nang mabalitaan ang nangyaring pagkawala ng ilang negosyo ng dating pinuno ng organisasyon. Nakaupo si Clay sa pinakagitnang bahagi ng malaking silid na tinatawag nilang Judgement Hall. Napapalibutan siya ng walong katao na siya namang tinatawag nilang konseho. Ang konseho ay nagsasaad na walong galamay ng organisasyon at ang pinuno ay siyang utak na kasalukuyang bakante ang posisyon. Habang ang grupo naman ni Clay ay tahimik lamang na nakaupo sa bandang gilid at nakikinig sa diskusyon. Hindi sila dapat sumagot kung hindi sila pinapatawag sa gitna kahit na may alam pa sila o suhestiyon tungkol sa paksa. "Nabalitaan namin ang nangyari sa ilang negosyo ng dating pinuno

