Chapter 51 Clay Hayes Prime, kailangang ersonal mo ng pamahalaan ang natitirang negosyo ng iyong mga magulang bago pa tuluyan itong bumagsak," Sabi ni Mr. Duncan- ang dating sekretarya ni Papa nang puntahan niya ako sa pulong namin ng konseho. "Anong sabi mo? Papanong mangyayaring babagsak ang negosyo kung pataas ng pataas ang kinikita nito," Nangunot ang noo ko sa sinasabi nito. Nagse-send sa akin thru email si Mr. Galvez- ang inatasan kong pamahalaan ang negosyo ng pamilya namin habang wala ako at nakikita ko sa report nito na pataas ng pataas ang kinikita ng kompanya buwan-buwan. Kaya paano babagsak? "Maniwala ka sa akin, Prime hindi totoo ang pinapadala sa inyo ni Mr. Galvez na report. Pinapalabas lang niya sa inyo na tumataas ang kita pero ang totoo wala na itong kinikita. Na

