Chapter 50 "Kailan ba natin makukuha ang mahal ko sa poder ng mga hayop na 'yon?" Tanong ng Boss kay George na kasalukuyang nagsasalin ng alak sa baso saka iniabot nito sa Boss. "'Wag po kayong mag-aalala, Boss, kunting panahon na lang po at makakasama niyo na rin po ang Miss," Isang linggo na ang nakaraan matapos makumpirma ng Boss ang mga nakasulat sa report na ibinigay ni Dominguez at ang lahat ng 'yon ay totoo. Napagplanuhan nilang gawing espiya si Dominguez sa mga Hayes. Hindi naman mahirap gawin 'yon sa parte ni Dominguez dahil una sa lahat labas-masok siya mansyon ng mga Hayes at isa siya sa pinagkakatiwalaan ng Prime. Lahat ng nangyayari sa loob at labas ng mansyon ng mga Hayes ay mabilis niyang nai-re-report. Lalong-lalo na pagdating sa babaeng mahal nito. "Sigurado ka ba

