Chapter 41 Clay Hayes Pauwi na kami ng mansyon matapos naming maayos ang funeral ni Aileen. Ayoko sanang iwan namin si Alex pero sabi niya ayos lang siya. Gusto niya rin munang mapag-isa at kailangan daw ako ni Suzanne. Lalo na narinig niya na hinimatay si Suzanne habang kausap ko ito sa kabilang linya. I feel sorry for Suzanne knowing her best friend disappeared for three days at nang malaman nito ay isa na itong malamig na bangkay. Natagpuan namin ang katawan ni Aileen sa morgue ng isang pampublikong ospital. Ayon sa mga pulis natagpuan daw ang bangkay sa isang iskwater area di kalayuan sa ospital. Ngunit ayon sa dalawang bata na nakakita mismo sa bangkay na natagpuan nila ito sa talahiban ng isang abandunadong subdivision malapit sa pinaglalaruan nila. Naisip namin na posibleng k

