"Ayaw mo ba nito?" malumanay niyang tanong. Walang sumagot.
"Ayaw mo ba talaga?" pag-uulit niya.
"Ayoko..."
"Bakit naman? Masarap kaya 'to..."
"Ayoko nga...sabi..."
"Tikman mo, sige na..."
"Hmm..."
Hindi mapigilan ni Jayden ang sarili sa pagtawa kaya naman tinatakpan na lang niya ang sariling bibig.
"Clarie... gising ka na... umaga na."
"Ayoko! Ayoko nga sabi!" sigaw ni Clarie at bigla siyang napadilat. Sunod-sunod din ang paghabol niya sa hininga. "Hay... Panaginip lang pala."
"Anong napanaginipan mo? Binabangungot ka yata?"
Medyo nagulat pa si Clarie nang may ibang taong nagsalita. Nanlaki ang mga mata niya at kaagad na napaupo sa higaan.
"Papatayin mo ba ko sa nerbyos?! Pa'no ka nakapasok dito?! May ginawa - ka ba sa'kin?" sabay kuha niya ng kumot at tinakpan ang harapang nakikita ni Jayden sa katawan niya.
"Ano na mang gagawin ko sa'yo?" balik na tanong ni Jayden at tumayo na mula sa pagkakaluhod. "Eh, mukhang ikaw nga ang may ginawa sa akin sa panaginip mo? I'm so flattered! Hindi ko akalaing pinagpapantasyahan mo pala ako, Clareng?"
"Ha?!" gulat na reaksyon ni Clarie na biglang namula. Tumayo na rin siya mula sa higaan.
"A-anong pa-pantasya pinagsasabi mo dyan?! Ang kapal talaga..."
"Kunwari ka pa, bistado ka na! Binabanggit mo kaya pangalan ko habang natutulog ka. Na-miss mo ba ako?"
"Aba't!" duro ni Clarie sa kausap at sinugod ito sa isang sulok ng kuwarto niya na nasa gilid ng bintana. "Hoy, miss ka diyan! Ang kapal-kapal mo talaga kumag ka! Ano, porke nagpalaki ka ng katawan at nagpa-facial ganyan ka na ka-gwapo? Eh, ugaling halimaw ka pa rin naman!"
"Ah, ganun?!"
Bigla'y napagpalit kaagad ni Jayden ang mga pwesto nila. Ang dating si Clarie na nasa harapan niya na dinuduro-duro siya, ay siya nang nakasandal sa gilid ng bintana.
"Sinong sinasabi mong halimaw?" seryosong tanong ni Jayden na ang mga braso ay nasa magkabilang gilid ng mukha ni Clarie.
Kumakabog ng husto ang dibdib ni Clarie sa tagpong iyon. Hindi niya akalaing ang napanaginipan niya ay siya na ring nangyayari sa kasalukuyan. Alam niyang gising na gising na siya at hindi na nananaginip pa.
Nagtititigan silang dalawa. Walang umiiwas ng tingin.Wala ding nagsasalita. It's just an unexpected moment na hindi nila alam kung ano pa bang susunod na dapat gawin. Parehas silang kinakabahan. They both froze and eyes locked. Pero, nagkaroon ng lakas si Jayden kaya't unti-unti niyang nilalapit ang mukha niya kay Clarie.
Oh, not to be so exact like this! Protesta ng isip ni Clarie. Dahil alam na ni Clarie ang susunod na gagawin ni Jayden. Isang galaw na lang ng kamay ng orasan, maglalapat na naman ang kanilang mga labi.
"Huwag, Jayden," nasambit ni Clarie. Napahinto si Jayden. Pero hindi niya inilayo ang mukha. Huminto lang siya sa dapat at gusto niyang gawin. "Ayoko... Ayoko talaga."
Bigla namang napangisi si Jayden.
"Bakit?" takang tanong ni Clarie.
"Siguro, ganito ang napanaginipan mo 'no?"
"Ha? Hi...hindi ah!"
"Ows? Hindi tayo makakaalis sa pwesto natin kung hindi mo aaminin," nangingiti pa ring sabi ni Jayden habang magkalapit pa rin ang mga mukha nila.
"Ang ganda mo pala 'pag ganito kalapit?"
Ramdam ni Clarie na parang biglang may dumaloy na kuryente sa buo niyang katawan sa sinabing iyon ni Jayden. Ang mukha niya namula na naman. At ang dibdib niya mas bumilis pa ang t***k. Hindi na niya alam ang gagawin baka sa susunod pang sasabihin ni Jayden ay mag-collapse na siya.
"Oo na! Oo na ganito talaga 'yung napanaginipan ko!" bulyaw niya kaagad sa kaharap. Inaasahan naman na niyang ngingisi ng pagkalaki-laki si Jayden sa sinabi niyang iyon pero wala na talaga siyang ibang choice. Kahit na gustuhin niyang tadyakin o sipain si Jayden parang ayaw sumunod ng katawan niya. Nanghihina siya.
"Uuuy... Labing-labing sila."
Akala mo biglang may officer in command ang biglang nagsalita nang parehas silang naghiwalay at tumayo ng diretso. Nagulat sila nang makita nila si Pam-Pam na nakatayo sa pintuan at mukhang bagong gising. Alam na alam ng bata ang mga kantyaw-kantyaw dahil iyon din ang madalas na nakikita niya at tinuturo ng mga kasama niya sa bahay lalo na ng ate Clover niya.
"Pam-Pam, wala iyon. Ikaw talaga. Halika na sa ibaba," paliwanag ni Clarie sabay lapit sa bata. Pero bago pa man niya mahawakan ang bata ay nakatakbo na itong humahagikgik pababa. Habang naririnig na lang niya na tinatawag ni Pam-Pam ang Mama nito.
"Ano ba kasing ginagawa mo dito sa kuwarto ko?" baling niya kay Jayden habang nililigpit na ang higaan. "Nakita tuloy tayo ng bata baka kung ano namang isipin nila sa atin. Hay! Bumaba ka na nga."
"Huwag kang mag-alala, hindi ko naman gawaing pumasok sa kuwarto ng may kuwarto ng walang paalam sa may-ari," paliwanag ni Jayden.
"Talaga? Eh hindi nga kita narinig kumatok!"
"Paano mo maririnig eh busy ka sa kakapantasya sa akin!" Hindi man nakikita ni Jayden ang invisible na usok sa ilong ni Clarie alam niyang bubuga na iyon ng apoy. "Sige na, dyan ka na. Dinalhan lang naman kita ng almusal. Tsaka nagpaalam ako kay Tita Melly. Siya naman ang may-ari hindi ikaw!"
Hindi na nakapagsalita pa si Clarie dahil nakalabas na kaagad ang kausap at sinarado pa ng malakas ang pintuan ng kwarto niya.
"Eh, pilosopo ka din pala eh!" sigaw ni Clarie kahit na nakalabas na ng kuwarto ang kausap. Hindi niya matiis na hindi gumanti lalo na kung natatalo siya ng lalaking kaaway niya.
Nang mapadako siya sa lamesa niya, nakita niya ang isang mangkok. Inamoy niya iyon at napansing mukhang masarap.
"Ano namang nakain niya at dinalhan pa niya ako ng arroz caldo? Either lason lang naman o gayuma ang nilagay siguro 'nun dito! Akala naman niya kakainin ko 'to."
Makalipas ang ilang minuto, hindi naman naitago ni Clarie sa sarili ang kabusugan. Ang nilait niyang arroz caldo hindi naman niya talaga natiis na hindi matakam. Sa amoy pa lang, natutukso na siyang banatan ng lamon iyon. Pero habang kinakain niya iyon alam niyang luto iyon ni Jayden. Wala namang nakapagsabi sa kanya. Bukod sa kutob, masarap talaga ang pagkakaluto. Nalaman na niya kay Ate Ester at Goji na nagtapos ng culinary arts si Jayden at kasalukuyan rin na nagtatrabho sa isang restaurant doon sa lugar nito.
Hindi man niya matanggap sa sarili na pinupuri niya kahit sa isip ang luto ni Jayden, wala naman na siyang nagawa dahil naubos niya kaagad ang laman ng mangkok. Pero tiyak na niyang gayuma nga ang sekretong pampasarap sa pagkaing iyon.
Kasunod ng pananahimik niya nang mabusog, napatitig siya sa sulok kung saan siya hinigit ni Jayden. Sariwa pa sa alaala niya ang mga nangyari. Ang kakaibang mukha ni Jayden na nakapang-pahina sa buo niyang katawan. Ang fresh na hiningang inilalabas ng ilong ng binata. Ang mga mata nitong parang madaling basahin pero may kakaibang kislap kung minsan, lalo kung tumitig. Ang matangos nitong ilong na lalong bumagay sa fine jaws nito. At ang mga labi? Napailing-iling na lang siya. Ayaw niya sanang aminin pero totoo pala talaga ang sinabi ni Clover. Cute pala talaga si Jayden kung mag-aayos lang ito ng sarili kahit kaunti.
"Clariselle, ano bang pinag-iisip mo?! Don't mind his lips!" irita niyang kausap sa sarili. "Lintik na arroz caldo, may gayuma yata talaga!"