KAGAYA ng nakagawian, maagang nagising si Pippa upang maghanda ng almusal. Pagmulat pa lamang ng mga mata ay nakangiti na siya. Habang naghihilamos ay inamin niya sa sarili na nasasabik siya sa bagong araw. Nasasabik na makita si Ike. Pagkatapos ng naging pag-uusap nila kagabi, pakiramdam niya ay mas naging malapit sila sa isa’t isa. Pagbaba niya sa kusina ay kaagad niyang inihanda ang mga lulutuin. Maigi na lang at darating si Zenaida mamaya dahil paubos na ang stock nila ng pagkain. Maaari naman siyang mamalengke ngunit mas convenient si Zenaida. Mas nakasisiguro pa siyang sariwa ang mga gulay, karne, at isda na ibinibigay nito sa kanya. Inilalabas niya ang naka-marinate na rib eyes sa ref nang maramdaman ang pagpasok ni Ike sa kusina. “`Morning,” bati niya habang pumipihit paharap sa

