“NAPAKATAHIMIK. Gusto ko ang lugar. Mahimbing ang tulog ko. Nakakapagpahinga ako. Nakakahinga ako. Pippa is a good company. She doesn’t hover, but she talks to me, too. She can be funny. It’s real fun to be with her. She’s a good cook. Very. She... she does... smell nice.” Napaungol si Ike nang matantong kung ano-ano na ang kanyang mga nasabi. Inililista niya ang mga dahilan kung bakit nasa Baryo Gaway pa rin siya. Ikatlong araw na niya roon. Kasalukuyan siyang nakahiga sa isang papag na nasa lilim ng isang napakayabong na puno sa likod ng bahay. Ilang metro mula roon ay ang malinis na ilog. Tuwing tanghali ay doon siya nakakatulog. Nasa loob ng bahay sa kasalukuyan si Pippa, nagkukulong sa silid nito. Sa loob ng iilang araw na pamamalagi roon ni Ike, nakabisa na niya ang routine ng kas

