PAGKAKAIN ng hapunan ay dumeretso ng banyo si Pippa upang maligo. Hinayaan niya si Ike sa paghuhugas ng mga pinagkainan nila. Noong una ay iginiit niyang siya na ang gagawa niyon ngunit iginiit din ng lalaki ang gusto. Hindi raw tama na siya na ang nagluto, siya pa ang magliligpit at maghuhugas. Kaagad mahahalata na ipinanganak na may gintong kutsara sa bibig si Ike, ngunit alam nito kung paano maglinis. The kitchen and the living room were always sparkly clean in the morning. She was glad he was not a slob. Pagkaligo ay nagkulong na siya sa kanyang silid. Binuksan niya ang laptop at inabala na ang sarili sa isinusulat. Ngunit pagkatapos ng isang oras ay tumigil din. Napapabuntong-hiningang pinatay niya ang laptop. Bago pa man magbago ang kanyang isipan, lumabas na siya ng silid at bumaba

