ALAS-DOS na nang madaling-araw ngunit gising pa rin si Pippa. Masaya siya sa kanyang naging desisyon. Mas magaan na ang kanyang pakiramdam matapos nilang mag-usap kanina ni Ike. Inilabas niya ang kanyang cell phone sa drawer. Sandali lang siyang nag-alangan bago nagawang tumawag. Malamang na abala si Heith sa trabaho at kung hindi siya nito sasagutin sa unang subok ay hindi na siya magpupumilit pang kausapin ang dating asawa. Heith answered after the fourth ring. “Pippa! Thank God! How are you, darling?” Kahit na papaano ay napangiti siya sa concern na narinig sa tinig ni Heith. Naroon din ang relief dahil sa wakas ay nakipag-ugnayan na siya. “I’m fine. Great even.” Iyon ang madalas niyang linya tuwing tinatanong siya nito ngunit ngayon lang walang bahid ng kasinungalingan ang mga kataga

