MAKALIPAS ang isang oras ay mas kumportable na si Pippa sa pamilya ni Ike. Madaling makasundo ang mga kapatid nito pati na ang mga asawa ng mga ito. Sina Tito Stefano at Tita Virgie ay kaagad nagustuhan ang kanilang lugar. They loved the peaceful surrounding. Mukhang na-stress nang kaunti si Chenie dahil panay ang takbo at akyat ng kambal nitong anak sa mga puno. Noon lang daw nakawala ang dalawang makulit na bata sa malawak na bakuran kaya sinumpong ng pagiging hyperactive. Panay naman ang tanong sa kanya ni Enid. Natutuwa siya sa dalagita na parang matanda kung magsalita. She obviously loved her uncle fiercely. “If you hurt my Uncle Ike, I’m gonna... I’m gonna...” Tila hindi nito kaagad mapagdesisyunan kung ano ang sasabihin. “You can tear my heart out,” she supplied in all seriousne

