Kabanata 34 PARA AKONG nakalutang sa alapaap dahil sa pangakong 'yon ni Ninong Nick. Kaya naman naging masigla na ang puso ko paglipas nang araw at mga buwan. Araw-araw ring parang walang katapusan ang honeymoon namin ni Ninong. At sa ngayon sapat na muna sa akin ang ganun. Kaya ginagawa ko ang lahat para maging karapat-dapat ako para kay Ninong Nick. Kahit pagod at puyat ako. Sinisiguro kong nakakapag-aral akong mabuti para na rin naman sa sarili ko. At para maging masaya rin si Ninong at maging proud siya sa akin. Palabas kami nang campus nang biglang may kamay na humila sa akin. "Ikaw babaing malandi!" gigil na sigaw sa akin ni Trish at namumula ang mukha na halatang galing sa pag-iyak. "Sinulsulan mo si Joe na makipagbreak sa akin diba?" sigaw na usig nito sabay duro sa mukha ko. K

