Kabanata 35 "NGA PALA, Nick. Uuwi na ngayon ang Ate Amelia ko, napaaga daw ang uwi niya kaya gusto ko sanang makipagkita sa kanya, puwede mo ba akong ihatid sa condo niya sa sunday?" ani ko kay Ninong habang kumakain kami sa isang restaurant. Pansin ko lately kapag sa labas kami nagdi-dinner laging sa isang private area kami kumakain, tulad ngayon. Nasa Dine and Cuisine kami pero sa isang private space kami nakapuwesto. Mga VIP reservation daw ang kumakain sa ganun. Ewan kung bakit doon pa kami samantalang wala namang masyadong customer sa labas. Noong una ayos lang sa akin, pero lately feeling ko sadyang iniiwas ako ni Ninong sa mata nang mga tao. Pero nag-aalala rin naman akong magreklamo. Iniisip ko na lang para sa akin naman 'to eh. "Kailangan kong pumunta sa bahay ni Dad sa Sund

