Kabanata 28 THREE WEEKS later... MALAKAS ang kabog nang puso ko. Unang araw kasi nang pasok ko sa St. Augustine University. "Baby, masyado kang kinakabahan," noon ako napalingon kay Ninong na akala ko abala sa pagmamaneho. Last week pa kami nakabalik ulit sa Manila dahil may mga aasikasuhin raw si Ninong sa opisina. Pero para lang pala masolo ako nito bago ang pasukan. Nakapagbakasyon pa nga kami sa Tagaytay nang dalawang araw at pinag-apply rin ako ni Ninong ng passport. Para daw puwede niya kong isama kapag lalabas ito ng bansa. "Nakakatense po pala Ninong, parang gusto ko na lang sa probinsya," nasabi kong ikinatawa nito. "Mamimiss mo ako kapag nasa San Miguel ka," kumpiyansang sagot nitong ikinakamot ko. "Ah, okay na pala ako Ninong." napapangiting sagot ko dito. "Pero susunduin

