Kabanata 29 TILA AKO nanigas sa sinabi nang babae. Plaything ni Ninong? Marami bang babaing dinadala si Ninong sa opisina niya? Naguguluhang napatitig ako sa babae na tila baliwala naman dito na-offend ako sa sinabi nito. Nagitla ako nang biglang magring ang phone ko. Noon ako natauhan kaya mabilis kong kinuha sa bag ko ang phone. Si Ninong ang tumatawag. "Baby nasaan ka na?"malambing na tanong ng kabilang linya. "Dito na po ako," mahinang saad ko sa mabigat na tono. Hindi nagtagal ay dinig ko ang pagbukas nang pinto. At kita kong nagulat ang babaing masungit. "Sir hindi mo sinabing may bisita ka ulit," anang babaing malambing na ang boses. Saka naman nakita ko si Ninong na matamis na ngumiti sa akin. Saka ibinaba ang phone nito. "What took you so long, Angel. How's school?" Masigl

