If it's a girl then it's Florence Victoria Mallari De Castelleon but if it's a boy Juan Gio Mallari De Castelleon. I know the name sounds a little bit old for their age but they sound so beautiful when combined with their fatther's name. Tingin ko naman ay walang magtatangkang mang-asar sa kanila sa future dahil sa apelyido nilang iyan. Walang magtatangka. "Nasa Manila na sina Vienne. Dumating siya kaninang umaga," pag-iimporma ko kay Gael. "Do you miss her? Magkikita ba kayong dalawa? Papuntahin mo kaya siya rito sa Siargao," suhestyon nito. Sandali akong natahimik para pag-isipan ang offer na iyon ni Gael. Kapag nag-offer ako kay Vienne na mag-stay muna siya rito sa manor kasama kami. Tingin ko ay magugustuhan niya iyon at papayag siya agad ng walang pagdadalawang isip. She love

