Hindi lang basta naiirita sa akin si Gael dahil sa mga sinabi ko at naging takbo nang pag-uusap namin doon sa restaurant. He is mad at me, as in mad mad. Hindi kasi siya natulog sa master's bedroom ng guesthouse. Iyong isang kuwarto ang ginamit niya but he did made sure that I'm well and comfortable before he left to rest. Ilang beses akong napabangon sa kalagitnaan ng gabi. Naiisip ko kasi na hindi niya naman ako matitiis. Nag-iinarte lang siya at kalaunan ay babalik din siya rito sa kuwarto para tumabi sa akin ngunit hindi iyon ang nangyari. Maski ang silipin ako ay hindi niya ginawa. Napaka-inconsiderate naman. What if I need something from him? Paano kung may nangyari sa aking masama? "Good morning, Lilou." Bati sa akin ni Mama Liz pagpasok ko sa main house. Ala-siete pa lang ng

