Hiyang-hiya ako nang pumasok ako sa main house. Halos hindi ko nga magawang iangat ang aking ulo para tingnan man lang kahit saglit lang ang mga kasambahay at security guards na nabulabog dahil sa pagpapanic ni Gael nang hindi niya ako mahanap doon sa greenhouse. Mama Liz sighs in relief when she saw me walking towards them with Gael by my side. Niyakap niya ako agad. Tila inaalo niya ako sa kung ano mang traumatic experience na hindi ko naman talaga na-experience ngayong gabi. Habang ang isang kamay ni Mama Liz ay humahaplos-haplos sa likuran ko. Iyong isa naman ay nasa buhok ko at iyon ang hinahagod. "Saan mo siya nakita?" tanong ng Papa ni Gael. "Nasa greenhouse. Nakatulog lang pala siya sa greenhouse," tugon nito. Parang ayaw ko na lang na iaahon ang mukha ko mula sa pagkakapat

