Kabanata 2

1030 Words
Nang binitawan ni Carlos Gael ang kamay ko. Bumaling ako kay Vienne saka 'to dali-daling hinila papunta sa kabilang dako ng vip section ng Elexir. "Ayaw ko," agad kong sinabi rito. Kanina ko pa gustong sabihin sa kaniya na hindi ako payag mag-model para sa DCB Sportswear sadyang wala lang akong lakas ng loob na ituran 'yon sa harap ng magkapatid. "Ayaw mong ano?" naguguluhan nitong tanong. I lean closer to my manager. May amoy na ng alkohol sa hininga nito pero mukha namang nasa tamang wisyo pa siya para ma-i-proseso at maintindihan ang mga sinasabi ko. Palihim kong nilingon ang magkapatid na de Castelleon. Napaliliguran na silang dalawa ng mga babae ngayon. Kung mas nauna kong nakita ang eksenang 'yan kesa nalaman na gusto nila akong kuning model. Maiisip kong nandito sila para magsaya at humanap ng kaniya-kaniyang babaeng puwede nilang maiuwi sa pribado nilang lugar. "Lilou? Anong ayaw mo?" napakurap-kurap ako nang marinig ko na ulit si Vienne. Nang magsasalita na ako ay bigla na lang niyang pinilig ang ulo. "Anyway. Sinabi ko lang naman iyong tungkol sa offer nila. Puwede naman na sa meeting na lang bukas pag-usapan ang ibang detalye. They're here to celebrate with us for your birthday and victory?" "Celebrate with us?" I've never been this clueless in my entire life except that one time I thought my family is doing great and perfect then I got cannonade by a news of my mother filing a divorce. "Oo. Sponsor nila 'tong party mo. Actually si Mr. Gael de Castelleon lang. Hindi ko na nasabi sa 'yo. Nawala sa isip saka hindi naman na bago 'to di ba?" The blinds of my eyes moves multiple times before my mouth does. Wala na lang ulit akong nasabi nang bumalik na si Vienne sa baba at naiwan ako rito. Inaasahan niya na kasi sigurong kaya ko na ang sarili ko. Hindi ko naiwasang hindi hintuan ang pahabang lamesa kung saan naka-display ang sandamakmak na cake. There are the usual cake sizes, round and square, my cupcake tower at iba pa pero ang pinaka-umagaw sa atensyon ko ay ang fondant cake na ako mismo ang character. It's lovely! Masiyadong perpekto ang pagkakagawa roon na halos nakakapanghinayang na 'tong kainin. Kung puwede lang ay gusto ko siyang iuwi sa bahay at i-display. "Mukhang nagustuhan mo." Agad kong hinanap ang nagmamay-ari ng boses at tinigil ang pagkuha ng picture sa cake. Sa 'king gilid ay natagpuan ko si Gael. Titig na titig din 'to sa cake at para bang labis ngang natutuwa. "Sino bang hindi?" I look back at the edible masterpiece. Itinuro ko iyong mga detalyeng parang napaka-effort at mahirap gawin. "Look at those intricate details. Ang talented naman nang gumawa nito. It's art but make it edible," I murmured. Hindi ko alam kung naririnig niya pa ba ako nang maayos ang ingay kasi ng music. "Thank you." Shock is an understatement. Pabalik-balik kong tinuro si Gael at yung cake. "Sa iyo rin ba 'to galing? Ikaw iyong bumili---" "Ako iyong gumawa," he cut me off and that made me speechless. "Weh?" mahina akong humagikhik lalo na nang mapatingin ako sa malalaki at mauugat nitong kamay. I just find his hands too rough-looking to be able to do something as soft and fragile like this fondant cake. Sa itsura kasi ni Gael parang lahat nang mahahawakan niya ay mawawasak niya. "Hindi ka naniniwala?" he asked, half-amused. Mas mabilis pa sa pagtakbo ng mga segundo sa orasan akong tumango rito. "If you want I can make another fondant cake for you. I'll let you watch me do it." Binaba ko ang baso ng s*x on the beach na lady's drink na ilang minuto ko na ring ini-enjoy. Nasa bar counter na kami ni Gael at ibang bagay na ang pinag-uusapan nang inungkat niya na naman ang hindi ko paniniwala sa sinabi niya kanina. I smiled tauntingly. "Why would you do that? Chill. Masiyado ka naman yatang na-bother sa opinyon ko." I chortle shortly. "If you're the one who actually made that then own up all the compliment you heard me say earlier. You deserve it all." "Pero hindi ka naman talaga naniniwala," he said as a matter of fact. "You're cute Mr. de Castelleon. Alam mo bang akala ko you're the alpha type? Hindi pala o baka naiisip ko lang 'to kasi parang..." I pointed my cocktail drink. "Natamaan na 'ko niyan kaya hindi na 'ko masiyadong kinakabahan sa presensya mo." Ngumisi ako rito. "Kapag humulas na ang epekto ng mga ininom ko baka manginig na naman ulit ang binti ko pagkakita ko pa lang sa 'yo gaya kanina." Wala sa sariling pagtatapat ko. "I want another glass of s*x on the beach," sabi ko sa bartender. Habang hinihintay 'tong matapos sa pagtitimpla non. Humalukipkip ako sa counter at ngiti-ngiting pinanuod si Gael na laklaking ang isang baso ng winston cocktail. "If I'm still believer of fairytales and sweetness of romantic love. I'd see you as my potential lover." Pinilig ko ang aking ulo. "But that's all in the past. Kung nakilala kita bago nag-divorce sina Mama, bago ako mawalan ng tiwala sa love na 'yan. Malamang ako pa ang manliligaw sa 'yo." I confess. We were both silence. Nakakunot lang ang noo nito at para bang tinatantya niya pa kung maniniwala ba siya sa mga sinabi ko o hindi. "I see..." He trailed off. "Oo nga!" Giit ko para lang mas maniwala pa siya sa 'kin. He stopped sipping on his expensive cocktail drink to tilt his head on my side. "This whole conversation. I'll keep it a secret." Tumawa si Gael. Napanguso naman ako sabay nang paghilig palapit lalo sa kaniya. "Huh? Secret? Gusto mo na sikreto mo lang ako?" I chuckled. Thrilled at the idea. "That's not what I meant." Napatango-tango ako rito sabay lapit ng labi ko sa tainga niya. "Ayos lang naman. Gusto ko rin na ganito lang. Sikreto natin ang isa't isa. Hindi ba't parang ang saya? It's thrilling and I love the thrill," I said. "Lasing ka lang talaga." Ngumiti ako rito. "I think so. Lasing na nga ako. Lasing na 'ko kaya dapat mo na akong iuwi," I whispered before passing out.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD