Binibiyak ang buong ulo ko dahil sa sakit dala ng hangover. It's the headache that wakes me up and interrupt me from sleeping and not because I'm ready for this day.
I reached for the drawer on my bed-side table and to my surprise. My hand couldn't find the table. Habang pikit pa rin ang mga mata. Lalo akong gumapang papunta sa gilid ng kama. I tried to reach for the drawer on the table again and instead of what I'm looking for. Iba ang nahawakan ko. Umbok ng kung anong bagay na mula sa pagiging malambot ay unti-unting tumigas at parang nagkaroon ng buhay.
I opened my eyes only to see the businessman and CEO from my birthday bash last night. He's standing potently before my eyes with dark hooded eyes.
I tremble both in fear and shocked when I realize that my hand is gripping on his crotch. Mas mabilis pa sa kidlat kong binawi ang aking kamay mula sa parte ng katawan niyang iyon.
Dali-dali akong gumapang papunta sa kabilang side ng bed. Hinila ko ang comforter paakyat hanggang sa aking dibdib na kanina lang ay ramdam ko na legs ko na lang ang nababalutan.
I squeeze my eyes. When I opened them again. They slowly find their way back to the stranger but not so stranger man on my left. Napapikit ulit ako nang mapagtanto na nandoon pa rin siya. And I don't think na basta-basta na lang mawawala ang lalaking ito dahil hindi naman siya parte ng aking panaginip.
Wish ko lang na this is all a dream but not.
My mind went erratic as I silently tried to recall what happened last night. Kung bakit ako nandito.
May nangyari ba sa amin ng lalaking ito? He sure looks like he has a lot of bitches at hindi naman ako makakapayag na maihilera ako sa mga ganoong babae niya.
Madudurog ko na ang gilid ng aking ulo ngunit wala pa rin akong maalala. Huminga ako ng malalim. Pangatlong beses ko na yatang binuksan ang aking mga mata. Tuwing binubuksan ko iyon ay mayroon akong bagong napagtatanto. Una, hindi drawer ang nakapa kung hindi iyong kaselanan niya. Pangalawa, totoong tao ang nakapaan ko ng kaselanan at hindi ako binabangungot lang at ang pangatlo, wala ako sa sariling kuwarto.
Shit ka, Lilou. Anong pinaggagawa mo sa buhay mo?
Gael De Castelleon cleared his throat for my attention. Dilat na dilat ang mga mata ko nang mapabaling ako sa kaniya.
"Iyong mga damit mo," panimula niya. Wala pa itong limang segundong nagsasalita ngunit sapat na iyon para magpanic ako.
My eyes jump from the comforter on my body to him and then to the pair of clothes sitting on the ottoman near the bed's tail.
"May nangyari sa atin?" pahisteryang tanong ko rito. I curl up on this corner of the bed more and hide my body from him.
I was drunk last night. I'm sure what happened is not consensual. Puwede akong magkaso sa kaniya. He raped me.
"Mukha ba akong rapist sa iyo? Hindi kita ginalaw, Miss. Maski isang hibla ng buhok mo," turan nito sa masungit at nambabarang tono.
Nabunutan na ako ng tinik sa dibdib. Just when I was about to smile out of relief because nothing happened and I am fine, my virginity is. Pinaalala ng utak ko kung paano ko pinaratangan ang lalaking kaharap wala pang sampung minuto ang nakakalipas.
Ngayon ay mas lalo na akong clueless sa iaakto ko sa harap nito.
Nasilip ko naman na ang aking sarili. I still have my dress. The one that I wore to my birthday party last night. Hindi ko alam kung anong klase o kaninong damit ang tinuturo nito na nandoon sa ottoman. Legit na hindi iyon sa akin.
Dahil nga may damit naman ako. Should I just leave? Like, yeet myself out of this place. Wherever this is?
After giving it some thought. I nodded my head. Nagkaisa na ang utak at puso ko sa aking gagawin. Tinanggihan ko naman ang offer na maging model ng DCB Sportswear. Tingin ko ay hindi na ulit kami magkakaroon pa ng ganitong encounter na dalawa.
I shut my eyes one last time and breathe deeply, "I'm sorry for all the troubles last night Mr. De Castelleon. I appreciate..." I look around, hoping I could find a suitable words to use ngunit wala naman.
"This. I appreciate all of this but I really really need to go. My friend, Vienne. She is probably dead worried of me and my coach to." Habang nagsasalita ako at nakikipag-usap dito ay patalikod na akong humahakbang palapit sa pinto ng kuwarto.
Where is my heels? I couldn't find my heels!
Nang mahawakan ko na ang seradura ng pinto. Nakapagdesisyon na ako na magyayakap na lang ako palabas. Kaya ko namang magyakap pero hindi na kung magtatagal pa ako sa puder ng lalaking ito. Baka isipin niya pang masiyado kong na-enjoy ang pananatili ko sa puder niya.
Hindi ganoon iyon!
Pinipihit ko pa lang ang doorknob at hindi ko pa ngayon nahihila ay bigla na itong bumukas.
"Ouch!" I winced and groan in pain. May kalakasan ang pagtama ng pinto sa likuran ko. Sumakto pa nga yata iyong kanto sa kanang balikat ko, sa bandang joints at buto.
Pagharap ko sa taong may gawa non. Parehas lang ang naging reaksyon naming dalawa. Gulat kami at ang mga mata ay mabilis na tinungo si Gael. Siya lang talaga ang makakasagot kung sino ang babaeng nasa harap ko at kung sino naman ako.
"So, she's the one who's keeping you busy these days." Tinakpan pa nito ang kaniyang bibig para hindi ko mabasa ang buka ng kaniyang labi ngunit may kalakasan naman ang pagkakasabi niya non kaya narinig ko iyon.
Hindi ko lang alam kung alam niya ba iyon.
"Ma, hindi ka na naman nagpasabi na pupunta ka." My eyes grow bigger than before.
Mama niya ang babaeng 'to? Hindi ko napigilan na suriin ang babaeng nasa dalawa o baka nga ay isang hakbang lang ang layo mula sa akin.
Ilang taon na ba itong si Carlos Gael? Mukhang bata pa ang Mama niya. She looks like she is in her late thirties or early forty. Basta hindi siguro papalo ng forty five ang edad nito. Malaking factor din ang style niya sa pananamit, rather than following the trends she is wearing a timeless pieces. Pagupitan lang ang buhok ng Mama ni Carlos Gael at pakulayan ng katulad kay Princess Diana, iyong sa Mama ni Prince William. Magiging kamukhang-kamukha niya na iyon.
I unconsciously took a step back as he walk towards his mother and greet her with a hug and kiss on her cheeks. Ngiti pa lang nila sa isa't isa. Masasabi ko nang may magandang relasyon ang mag-inang ito.
They are genuinely happy to see each other. Hindi katulad ko na madalas ay napipilitan na lang na ngumiti kay Mommy o kay Daddy kapag nakikita ko sila.
"Hindi mo pa rin ba ipakikilala sa akin ang girlfriend mo, hijo?" Bukod sa aming tatlo. Alam ko namang wala ng ibang tao rito sa kuwarto. Kaya't ewan ko ba kung bakit luminga pa ako sa aking likuran nang tumingin sa direksyon ko ang Mama ni Gael.
When I met her eyes. Para akong na-hypnotize na ituro ang aking sarili.
Ako ba ang tinutukoy niya? Sa isip-isip ko.
"Naku po---"
"Ma, this is Lilou Therese Mallari. Lilou, this is my mother, Seraphine De Castelleon." Umakbay sa akin si Gael na para bang close na close talaga kaming dalawa.
Plano ko pa lang sana na magprotesta sa bigla niyang pagiging touchy at pagpapalabas na tama nga ang assumption ng Mama niya na girlfriend niya ako nang hinapit nito ang aking bewang.
His hand didn't just stay and still on my waist. Talagang humahaplos pa ang hinliliit nito sa maliit na parte ng aking balikat.
I swallowed hard and that moment. I felt like a spell was casted to me. Natunaw at natapon na papunta sa kung saan ang lahat ng protesta na kanina-kanina lang ay handang-handa kong bitawan.
"Help me," bulong ni Gael sa tainga ko. Dinisguise niya ang pagbubulong na iyon sa pamamagitan nang pagpapanggap na hinahalikan niya ang gilid ng aking ulo.
He wasn't even pleading when he asked for help yet here I am now. Nasa loob ng bathroom ng kuwarto. Pini-prepare ang sarili ko para mas lalong maging presentable kasi magbi-breakfast daw kaming tatlo nang magkakasama.
Nakabihis na ako. Hinahanap ko na lang iyong aking bag para makapaglayag naman ako ng make-up sa aking mukha kahit na papaano.
I find my bag on the leather sofa. Lipstick lang ang naroon at pulang-pula iyon. It's hot and fiery red. Parang ang inappropriate niyang isuot ng ganito kaaga kaya sa huli. Nagpasya ako na bumaba ng walang kahit na ano sa aking mukha.
Maski ang ma-blowdry ang buhok ay hindi ko man lang nagawa kasi wala naman akong nahanap na ganoon sa bathroom ni Gael. Hindi female friendly ang kuwarto nito and I'm guessing that the whole house is like that too.
Habang pababa ako. Nasulyapan ko na sila sa may living room. Hindi ko pa rin talaga alam kung saan ang lugar na 'to but I'm guessing nasa upper floor ako ng isang condo building.
"Sorry po natagalan," paghingi ko nang paumanhin.
Mrs. De Castelleon smiled dearly, "No. It's fine. Lilou is such a beauty and stunner. Naiintindihan ko na kung bakit ayaw mong bumalik ng Cebu kahit saglit lang. When your father is at your age. He doesn't want to leave me behind too. Natatakot siya na kapag naiwan niya ako sa Cebu para sa mga trabaho ng kumpanya nila rito sa Manila ay may manliligaw na agad sa akin." The spark in her eyes as she shared those details is surreal.
I saw a lot of love that fails in the end. Kaya mas nakakagulat na sa akin na makarinig ng kuwento ng pag-ibig na hanggang dulo ay buhay pa rin.
"Hija, congratulations nga pala. You were the gymnast who won a gold medal from the recent olympics di ba? Naalala ko na rin. Kaya pala ang pamilyar mo. Parati kitang nakikita sa news nitong mga nakaraan."
Nilayo ko ang tasa kung saan ko iniinom ang isang klase ng tsaa. "Thank you, po."
I look down on my teacup and tried to keep a cool facade about this drink on my hand. Hindi ako fan ng ganitong inumin but this particular taste of tea suites my taste bud and I really like them.
"Gael, ang sabi sa akin ni Kohen. Naghahanap kayo ng model para sa DCB Sportswear. Why don't you make your girlfriend the company's model?" suhestyon ni Mrs. De Castelleon.
Dahil doon ay hindi ko nagawang ituloy ang dapat na pagsubo ko sa sausage na nahiwa ko na.
As much as I want to pretend that I didn't hear anything. They were looking at me and waiting for an answer.
Marahan kong sinipa ang paa ni Gael na nasa ilalim ng lamesa. Alam niya naman na ang sagot ko para sa offer na iyon. He should tell his mother that I already declined it.
Hindi ko forte ang modelling and I can't see myself doing that job. I'd rather work in corporate than model kung sakaling matapos na ang karera ko sa gymnastic na sana naman ay huwag mangyari agad.
"I already gave her the offer, Ma but she refuses too. Lilou, hates being in limelight. She loves and value her privacy. Isang beses lang siyang mag-model at sigurado ako na sunod-sunod na ang brands at shows na maghahabol sa kaniya," Gael speak on my behalf. Gaya ng gusto kong mangyari.
Mas lumapad ang ngiti ni Mrs. De Castelleon. Hindi ko pa alam kung ang mas ikinatuwa nito. Isa lang ang natitiyak ko. May dahilan talaga iyon.
"She is gorgeous, values her privacy she seems polite too. Ano pa ba ang hinihintay mo, hijo? Bakit hindi ka pa mag-propose sa kaniya? Papayag lang ako na magkaroon ng bagong Mrs. De Castelleon sa pamilya natin kung siya iyon."
That's a major turn of event that no one see coming.
Anong magpapakasal kami? E, nakitulog lang naman ako rito. Bakit ganito na ngayon?