Gamit ang natitirang twenty percent sa battery ko. Paulit-ulit kong tinawagan ang number ni Vienne. It's almost eleven am. Alam kong gising na siya sa oras na 'to. Kaya hindi talaga ako titigil na tawagan ang number niya hangga't hindi siya sumasagot sa akin.
I'm still at Gael's place. Hindi lang pala basta condo unit ang tinitirhan niyang ito kung hindi ang penthouse mismo ng DC Twin Tower. Dalawang palapag ng tower ang sakop nitong penthouse, that explains why this place is so gigantic it's almost a palace in my eyes. Literal na puwede akong maligaw.
Kasalukuyang may pinag-uusapan si Gael at ang Mama niya sa opisina nito sa taas kaya ako lang ang mag-isa rito sa baba. Chance ko na sanang pumuslit ng alis. Ang problema lang ay nasa taas ang bag ko. Mauuna kong madaanan ang opisina ni Gael sa taas bago ko marating ang kuwarto kung saan ako nagising kanina. On top of that, his mother wants to spend this day with me. Bonding daw. Kaya mas lalong kailangan ko rito si Vienne. Kailangan ko na sunduin niya ako rito. I need her to make an excuse for me para matakasan ko ang Mama ni Gael.
I don't want to establish an attachment and connection to her especially that his son and I were not really what she thinks we are.
"Hello?"
"Finally, yoy pick up. Where the hell have you been? Anong pinagkakaabalahan mo? Wala ka namang trabaho---"
"Oh, I'm f*****g. Kakatapos ko lang." Hindi naka-loudspeaker iyong phone. Walang ibang nakarinig sa sinabing iyon ni Vienne maliban sa akin ngunit nakaramdam pa rin ako ng saglit na pangingilabot at pagkapahiya dahil sa bukas ng bibig at labas ng mga salita galing doon.
Nasapo ko na lang ang aking ulo nang marinig ko na lang ang pagtawa nito.
"Hindi mo kinaya, no? Mag-ingat-ingat ka kasi sa mga tinatanong mo sa akin." The b***h laugh once more. I'm not going to ask who is it this time. Kapag nagpakita ako ng interes. Ikukuwento niya lang sa akin ang buong detalye. Masaya ako na sagana at buhay na buhay ang s*x life niya but there is no need for the details like who is the guy, where did they did the deed and how many times they did it.
"Ano na nga? Bakit ang aga-aga mo akong binubulabog? Kung makatawag ka talo mo pa iyong gigil na gigil na t**i!"
"Vienne!" Pahisteryang pagtawag ko sa pangalan nito. Ganoon pa rin naman ang reaksyon na nakuha sa kaniya. Hinahagikhikan niya pa rin ako.
"Alam mo ba kung nasaan ako ngayon?"
"Sa cond mo sa La Azul, malamang. Umuwi ka raw ng maaga sabi ni Coach."
I can't believe these people. Maski isa man lang sa kanila. Walang nakakita na kasama kong umalis ng Elixir itong si Gael?
"Wait a minute. Wala ka sa La Azul, Lilou where art thou?" Her voice already sounds mischievous. May kalokohan ng gustong iparating.
"Sunduin mo muna ako sa DC Twin Towers 1. Nasa penthouse ako."
"Damn girl. Did he pop the cherry?"
"Who?" I asked, a little bit confused.
"Sino pa edi iyong owner niyang penthouse ng tower 1. Si Gael!"
"No."
"Paanong no?" tuloy-tuloy pa rin na pang-uusisa nito sa akin. I bite the inside of my cheeks out of frustration. Kakatanong niya nang kakatanong. Baba na lang ulit iyong mag-ina ay hindi pa rin kami nakakapag-usap nito tungkol sa pagsundo niya sa akin dito.
"Vienne, makinig ka, ha? Pakinggan mo ako nang mabuti. Kung nasaan ka man ngayon. Umalis ka na riyan at puntahan mo na ako rito sa DC. I need you before an hour or things will be more complicated for me," I pleaded her.
Sa wakas. Na-gets na rin ng kaibigan kong iyon kung gaano kaseryoso ang sitwasyon kong ito. Umo-oo na siya na sunduin ako rito at darating daw siya agad kasi hindi naman ganoon kalayo ang place na pinagdalhan sa kaniya ng guy na nakilala niya sa birthday party ko kagabi.
I sat back on the sofa and stared at the expensive paintings hanging on the wall displayed in the living room. Kahit hindi ko hawakan iyong gilid ng ginamit sa pagpi-frame ng painting. Tiyak ko na gawa iyon sa gold.
As far as I know. Wala naman akong anxiety pero parang aatakihin ako at magkakaroon ng biglaang episode habang hinihintay ko na lumipas ang mga minuto sa orasan sa aking cellphone.
The sands on the imaginary hourglass in my head run out when I heard the opening of the door from upstairs. Nakalabas at pababa na iyong mag-ina samantalang wala pa akong nakukuhang reply galing kay Vienne kung nasaan na ba siya.
"Sorry to keep you waiting, hija." Tumabi sa akin si Gael. I swear, he is one of the most shameless man that I've encounter. Kung umakto ito ay talo niya pa iyong close na close sa akin. Wala man lang pagkailang sa pagmumukha nito habang idinadait niya ang katawan niya sa akin.
I can feel the side of his toned and well-built body on my back. Ganoon kami kalapit sa isa't isa. Iyong mga muscles nito na tinatago ng itim na buttondown na suot niya, parang inaakit ako non na sumandal pa roon. My mind is the only thing that's keeping me from doing it. Kasi ang katawan ko. Iyon na rin ang gustong gawin.
It unimaginable but I think our body establish an undeniable connection and tension. Tuwing lumalapat din kasi ang balat ko rito ay nagdidilim ang mga mata ni Gael at nalulunod iyon sa kung anong emosyon na nagagawa niya pang itago sa akin.
"Lilou, halika na? Marami-rami akong gustong puntahan ngayong araw. I want to introduce you to my Amigas. Hindi ako makapaniwalang malalaman ko na rin kung ano ang pakiramdam ng mag-shopping kasama ang." She was cut off be the ringing on the penthouse doors.
Nabuhayan ang nanghihina kong katawan. Nilayo ko ang sarili kay Gael. May tamang espasyo na sa pagitan naming dalawa dahilan para malaya naming makita ang mukha ng isa't isa ng hindi na kailangan pang baliin ang aming mga leeg.
"May bisita ka, hijo?" Mabilis na umiling si Gael sa Mama niya.
Their eyes then went straight to me. Not wanting to look suspicious. Ngumiti lang ako sa kanilang dalawa. Mas lalo ko pang ginalingan ang pag-arte ko nang humawak ako sa aking ulo at mahina iyong tinapik-tapik, senyales na mayroon akong importanteng nakalimutan and that everything's coming back to me right now.
"S-Si Vienne na yata iyon. Titingnan ko lang," I said to them.
Marami-raming hangin din ang nailabas ko mula sa aking baga nang makalapit na ako sa pinto at binuksan iyon.
Mas lalo akong nabunutan ng tinik sa dibdib nang makita ang bihis ni Vienne. She looks like this classy woman with her skinny jeans paired with a beige coloured silk longsleeve.
"Your hero has arrive. You're saved girl. I got you." Kininditan niya pa ako. If I didn't make way for Vienne. Tingin ko ay tatabigin niya na ako para lang makaraan na siya at makapasok ng penthouse.
"Ma'am, nakalimutan kong sabihin sa iyo. May importanteng lakad pala kasi kami ng kaibigan ko ngayong araw. Mukhang hindi na ako makakasama sa iyo. I would love too but this one is really important," I said. Kinabit ko na nga ang mga kamay ko sa braso ni Vienne. Handa na akong magpatianod sa kaniya paalis sa lugar na ito.
"Is that so? How about we do it tomorrow? I can stay for a few days. Ano ba iyong lakad niyo ngayon?"
I quietly and subtly ask help from Vienne, sa aming dalawa. Siya itong mas expert sa pagpapalusot at palaging mas kapani-paniwala ang mga binibigay nitong dahilan.
Pasimple niyang tinapik ang kamay kong pumipisil sa braso niya.
"Si Lilou po kasi. May appointment siya sa OB. Magpapa-shot siya para sa birth control plan na ginagamit niya." Maski ang maikurap ang aking mga matapos ko iyong marinig ay hindi ko nagawa.
Gusto ko na lang maging alikabok at tangayin ng hangin.
Umawang ang labi ni Mrs. De Castelleon. Para itong naeskandalo mula sa impormasyon na ibinigay sa kaniya ng kaibigan ko. Si Gael naman ay nagtaas ng kilay at umismid nang magtama ang mga mata naming dalawa. Binawi ko agad ang tingin ko sa kaniya.
"Sige na. Kunin mo na iyong gamit mo. Kumontak na sa akin iyong clinic. Late na tayo sa appointment," dagdag pa nito para lalo akong madaliin.
Sunod-sunod akong napairap nang marinig ko ang mahinang pagtawa ni Vienne matapos niya akong sulyapan.
Nakaalis na kami ng DC Towers at kasalukuyang nasa biyahe papunta ng studio nito. May meeting siya kasama ang mga content creator niya.
Dahil wala rin naman akong gagawin sa condo ko at mapapraning lang ako kakaisip sa mga nangyari sa akin. Pinili ko na sumama na lang sa studio niya.
"Pulang-pula pa rin ang pisnge mo. Hindi ka pa ba nakaka-move on? Ayos naman iyong naging palusot ko, a? Nakaalis ka agad. You're saved from spending the day with your future mother-in-law. Sure ka ba na ayaw mong pakasalan si Gael? Mukhang ayos lang naman sa kaniya," pagpapatuloy na biro nito.
Kung hindi lang siya nagda-drive. Nahampas ko na ito kasi namimikon na naman siya.
I didn't say anything about spending the day with Mrs. De Castelleon tomorrow. Wala namang contact sa akin si Gael, mas lalo na siguro siya. Si Gael na lang ang bahalang magpalusot kung sakali man na hapin ako ng Mama niya sa kaniya.
He can say that we're done and we broke up. Nasa katangian ng anak niya na mabilis magpalit ng babae. Tingin ko ay magi-gets niya kapag sinabi ni Gael na iba na ulit ang gusto niya kaya wala na kaming koneksyon.
Those assumptions of mine soothes me.
Iyon ang pinili kong panghawakan para mapanatag ako.
"Hoy pala. You're a hot topic because of your gold medal and your beauty. Alam mo bang naging fashion icon ka nga overnight?" Pinasadahan niya ako ng tingin mula ulo hanggang sa paa.
Lahat nang sinasabing iyon ni Vienne ay inilingan ko lang. I have f*******: and i********: ngunit hindi naman ako active roon. Hindi rin ako babad sa paggamit ng cellphone nitong mga huling araw kaya kung ano man ang pinagsasabi ng kaibigan kong ito ay talagang wala pa akong kaide-ideya.
"Mag-guest ka naman sa vlog ko."
"Anong klaseng content naman ang gagawin natin kapag nag-guest ako?"
Nagtatanong lang ako pero wala pa rin naman akong balak na tumapat sa camera. Kailangan ko lang ientertain ang suggestion niyang ito at umakto na pinag-iisipan ko ang alok niya kahit na ang totoo ay hihindian ko lang din naman siya sa huli. This way, mababawasan ang pangungulit niya sa akin.
Vienne shrugs her shoulder after fleeting seconds, failing to come up with a good idea for content.
"Kaya nga ako may content creator at team. Sila na ang bahala roon," anito.
Sikat na sikat na influencer si Vienne. Mayroon siyang youtube channel na may fifteen million subscribers. Her channel is mostly about beauty, health care, fashion and travel. Ang ganoong content nito ang siya ring naging tulay para matupad ang dati niya pang pangarap na maging ambassador at model ng iba't ibang brand.
Isang buong palapag ang studio ni Vienne sa Makati. It's twenty minutes away from her condo pero minsan, depende sa rami ng sinu-shoot nilang video for content ay roon na sila natutulog. May dalawang kuwarto rin kasi roon. Isang master's na para sa kaniya at isa pang kuwarto na ang gumagamit naman ay ang mga staff niya.
"Nasa office na ang lahat. Naroon na rin ang mga coffee. Puwede na tayong magsimula ng meeting," ani Joe. Siya ang nagsisilbing manager s***h personal na assistant ni Vienne. Off cam he's a dear friend not just to Vienne but to me too pero pagdating sa trabaho. Walang kaibi-kaibigan. Professional kung professional dapat ang lahat.
Binalingan ako ni Vienne, "Will you be fine?"
"May pizza sa kitchen at iba pang pagkain. Help yourself na lang muna," si Joe. Tumango lang ako para sa sinasabi nilang dalawa.
Kakatapos ko lang kumain. At ala-una pa lang ng hapon. Masiyado pang mahaba ang araw. Ngayong may anim na buwan akong break mula sa pagti-training dahil matagal-tagal pa naman ang susunod na kumpetisyong sasalihan ko, ang Sea Games sa Tokyo.
Halos dalawang taon pa ang layo non. Lampas isang taon din ang kailangan kong gugulin para sa pagti-training bago sumabak doon.
Now, it seems like I have all the time in the world but because I don't want to spend it with my mom nor my dad. Hindi ko alam kung saan ko ba gagamitin ang oras kong ito.
Isang box ng chocolate drink ang kinuha ko sa pantry. Pumasok na ako sa kuwarto ni Vienne rito sa studio pagkatapos.
Unwinding in a luxurious bedroom at the end of a long day is something of a dream, but because Vienne is Vienne Consunji and she wants everything glamorous. She made every woman's dream of luxury bedroom happens in reality here at the master's in her studio. It might feel indulgent or over-the-top to create a bedroom fit for a queen, but really, it’s an investment in her happiness and quality of life, at the end of the day. Wala siyang pakialam sa kung ano man ang sasabihin sa kaniya ng iba.
That's just her.
Puti ang namamayagpag na kulay sa kaniyang kuwarto ito. On top of her queen-sized bed is a geometric crystal chandelier, gilid naman ng headboard ng kama ay dalawang naglalakihang salamin. Nakalatag sa sahig ng kuwarto ang puti at mamahaling klase ng furr rag. Furr din ang nagsisilbing duvet cover.
Bukod sa dalawang unan para sa ulo. Mayroon pang anim na throw pillow sa ibabaw ng kama. Magkakaiba ang sukat ng bawat na pares at ang cover ay pa-light nang pa-light mula sa orihinal na shade ng pastel pink.
I don't know how can she manage to sleep with all of these pillows. Kung ako kasi ang matutulog sa ganito. Wala pa akong isang oras sa kama ay mararamdaman ko nang nalulunod ako.
I took four of the throw pillow out of the bed. Maayos ko naman silang sinalansan doon sa sofa.
Bago ko pa mailapat ang aking likod sa malambot na kama. Nag-ring ang cellphone ko.
Si Coach Sanches at si Vienne na lang ang nakakaalam ng number ko. Iniiwasan ko nga kasi ng bongga ang mga magulang ko sa panahong ito kaya naman sigurado na ako na si Coach ang tumatawag sa akin hindi ko pa man nahahawakan iyong phone ko dahil na sa bag ko iyon.
And to my surprise. Unregistered ang number na nakarehistro sa screen.
Pinakatitigan ko iyong number. This is not my parents'. Mas lalo akong nagkaroon ng agam-agam na sagutin ang tawag.
Hindi pa rin ako nakakagalaw sa aking puwesto nang mag-end iyong call.
Nangunot ang aking noo. I'm not good at memorizing things but when it's important hindi ko naman iyon basta-bastang nakakalimutan.
Kinutuban ako na baka nagawang goyoin ni Mommy si Coach Sanches into giving her my number. Para na rin sa kapayapaan ng utak ko. Tinawagan ko si Coach para kumpirmahin ang aking hinala.
"Hindi, a. Hindi nga kami nagkakausap ng Mama mo," mariin nitong tanggi sa aking assumption.
I immediately ended our conversation after that and didn't ask for further question. Hindi naman iyon sinungaling. Kapag sinabi niyang hindi niya ginawa, alam ko na agad na hindi niya talaga iyon ginawa.
Hindi na rin naman tumawag ulit iyong number kaya unti-unti ko na ring nakalimutan ang tungkol doon. It could be na namali lang ng dial ng number at aksidenteng napunta sa akin iyong call.
"Pst. Lou, gising na. Gabi na. Wala ka nang maitutulog." Nang mawala ang duvet sa ibabaw ng aking katawan at nanunuod na ang lami ng aircontion mula sa hibla ng aking laman hanggang sa buto ay tuluyan na akong nagising.
When I opened my eyes. Bumungad sa akin ang oras sa cellphone ni Vienne. Kaka-six lang ng gabi.
Tinabig ko ang kamay nito at muling pinikit ang aking mga mata. Kung idagdag iyong tulog ko kaninang madaling araw hanggang nung eleven am tapos iyong tulog ko ngayong two pm hanggang six. Lampas eleven hours na siguro ang tulog na nakonsumo ng katawan ko pero heto pa rin ako. Hirap na hirap na imulat ang aking mga mata.
I'm not sure if it's the bed or the nice smell of Vienne's pillow and duvet that's pulling me back to sleep o baka ngayon pa lang talaga nakakabawi ng pahinga ang katawan ko kaya ganito.
"Tapos na iyong meeting niyo?"
"Kanina pa. Mag-iisang oras ng tapos. Nakauwi na nga sina Joe. Wala sana akong balak na gisingin ka kaya lang girl. Medj kinabahan ako kasi parang ikaw mismo walang balak na magising kung hindi kita gigisingin." Umahon ako mula sa kama nito at naupo na lang. Hindi pa kasi ganoon kagising ang katawan ko kaya sinandal ko muna ang aking body sa headboard ng higaan niya.
"Natulog ka na maghapon. Ano nang gagawin mo ngayong gabi?" tanong nito sa akin. Inunat ko ang mga brasong pinupulikat. Parang naipit ko yata ito sa pagtulog.
"Eat dinner and do something that will entertain me hanggang sa dapuan na ulit ako ng antok."
"Tulad ng?"
"I don't know. Watch a movie? Binge watch a series on my list. I have a lot---"
"Ayaw mong mag-bar? May bagong bukas ngayong gabi."
"What bar?"
"Zone 17. Nandoon sina Joe. Ano, gusto mo bang humabol? Sisilipin natin. Kung hindi ganoon ka-bet edi balik tayo sa OG, sa Elixir." Tinaasan at binabaan niya ako ng kilay.
Hindi pa ako makapag-decide kaya siya na lang ang gumawa non para sa akin.
Kinuha nito ang kamay ko at hinila ako papunta sa dressing room at make-up room nitong studio. Kapag make-up tutorial ang laman ng vlog ni Vienne. Rito niya iyong sinu-shoot.
"Pumili ka na lang ng isusuot mo riyan. Magka-size naman tayo e. Mula katawan hanggang paa," sabi nito sa akin saka ako tinalikuran para makapili na rin siya ng isusuot niya para sa pagbabar naming ito.
Madalas din akong tambay sa studio at parati kong makikita ang mga damit sa dressing room. Kapansin-pansin na halos bago na ang mga nasa rack.
"Nag-declutter ka na? Kailan?"
"Yup. Two weeks ago."
"Anong ginawa mo sa mga luma mong damit?"
"Burn them," kaswal nitong sinabi. Marahan itong humarap sa akin, "I'm just kidding. I donated it. Joe, donated it for me," she corrected herself.
White tank top, light wash jeans and silver pumps. Napakaraming damit ni Vienne at nakaka-overwhelm na mamili mula sa mga iyon kaya mas pinili ko na lang iyong mga basic at sa accessory ko na lang binawi.
"Hmm," Vienne hummed her interest at the interior design of zone 17. Ibang-iba nga ang ambiance nito kumpara sa Elixir. Neon red and green ang nangibabaw na kulay ng ilaw sa may counter---sa buong paligid at hindi gaya sa Elixir na pagpasok na pagpasok ay umaapaw na ang energy ng iba't ibang artista at socialites na nagpapaka-wild kung hindi man sa dance floor ay sa kani-kanilang spot. Ang zone 17, chill lang. Kung mayroong café para sa iba't ibang inumin na nakakalasing. Ito na ang lugar na iyon. Hindi over-bearing ang edm music na tumugtog, iyon din siguro ang nakatulong para ma-pull ang unique na ambiance ng bar na 'to.
Talaga ngang bago ito sa panlasa ng mga taga-metro at hindi na ako magtataka kung isang araw ay bigla na lang itong dudumugin at tatangkilikin ng mga tao.
"Nasaan sina Joe?" Malaya akong nakipag-usap kay Vienne nang hindi nakikipagsigawan dito.
She looks at her phone and roams her eyes around. Bumaling ito sa akin pagkatapos.
"Hindi ako sure kung nasaan sila banda. How 'bout tawagan ko muna si Joe? Punta lang ako sa labas. Mahina kasi ang signal dito," she said and showed me her phone. Pawala-wala nga talaga ang icon na nag-iindicate kung gaano kalakas ang signal.
I nodded my head to her. Allowing her to leave me behind for a couple of minutes.
Puwesto ako sa bar counter pagkalabas nito. Wala pa naman akong balak umorder kaya nang may maglapag ng Manhattan sa aking harapan.
Sinalubong ko ang mata ng bartender. Alam na nito ang ibig sabihin ng mga tingin kong iyon.
Tinuro niya ang lalaki sa dulo ng counter. I've seen that face on television. If he's not an actor, he is probably a singer. Wala naman akong problema sa mga ganiyang tao maliban sa madalas, sila iyong mga lalaking may audacity na mag-assume na lahat ng babae ay gusto sila.
Tinaas niya ang basong hawak saka sumimsim doon.
Napabuntong-hininga na lang ako. Mali yata ang desisyon ko na sumama kay Vienne rito lalo na't wala ako sa mood para sa ganito, para i-entertain ang mga lalaki na sa tingin nila ay makukuha na nila ang kung ano mang gusto nila dahil lang sa nanlibre sila ng drinks.
Sana bumalik na agad si Vienne. I don't want to deal with that man.