Pabalik-balik lang ang tingin ko kay Gael habang pinapapak ko iyong mga gulay sa kare-kare. Nakatayo siya sa pinaka-dulong sulok ng office niya ngayon, sa totoo lang ay malayong-malayo na ang pagitan naming dalawa pero gusto ko pa rin siyang palayuin pa. Naamoy ko pa rin kasi iyong pabango niya. Nang dumating si Ju bitbit ang bagong suit na galing sa condo ni Gael. Dali-dali nang umalis si Gael sa aking harapan. Nang mawala na ito sa aking paningin. Narinig ko na ang lagaslas ng shower doon sa cr ng office. Hindi ko alam kung ano iyong history kung bakit may shower sa cr ng opisina niya but it's a good thing that he has one. Nasa kalahating bowl na ako ng kare-kare nang muli na namang bumukas ang office. Mabilis na sumabog sa buong opisina ang amoy na ayaw na ayaw ko. Agad na kumul

