Habang hawak ang cellphone sa aking kanang kamay at namimili ng sunod na kanta ni blondie na aking ipi-play. Hinahaplos naman ng hinliliit ko ang aking kuko sa ring finger. I get my nails done two weeks ago. They still look decent and pretty though. Gel polish kasi ang mga iyon at wala naman akong pinagagawa sa bahay na puwedeng maging dahilan para masira ang kuko ko. Automatic ang washing machine ko. Ang kailangan ko lang gawin ay isalang iyon at pagkatapos ng halos isa at kalahating oras ay tuyo na silang lalabas. May dishwasher din ako sa bahay na galing kay Vienne. Tamad kasi talaga siyang maghugas. Nung bumili siya ng dishwasher ay niregaluhan niya na rin ako ng isa. She said its very helpful and practical. Para sa katulad niya siguro na sa sobrang busy maski ang hugasan ay hindi n

