Nang binitawan ni Gael ang tapat ko pagbukas ng elevator na nagdala sa amin papunta sa penthouse niya. Saka ko lamang napagtanto na hawak-hawak nga ng lalaking ito ang kamay ko the whole time na nasa loob kami ng elevator. Sumama ako sa kaniya rito na hindi ko alam kung anong gagawin namin. Ngayong nandito na kaming dalawa at hindi naman nag-uusap dahil una sa lahat, parang wala naman kaming common ground ni Gael, mas lalong nadidepina na wala kaming magagawang dalawa. It's either magtutulalaan kaming dalawa o eventually ay makakahanap kami ng isang bagay na hindi namin mapagkakasunduan at doon na lang namin maibubuhos ang aming mga energy at oras. "Have you eaten yet?" he asked, that was such a random question from him, sa sobrang random at pagiging walang senses non dahil literal na

