Pag-dating ni Khala sa kanyang bahay dumiretso siya sa loob ng kanyang silid at duon umiyak ng umiyak. Pinatay niya din ang kanyang cellphone para walang maka disturbo sa kanya. Binuhos niya ang lahat ng sakit niya sa puso ng makita niya si Kennedy na may kasamang babae. Iniisip niya na bukas na bukas babalik na siya sa Manila. Kung hindi talaga siya mahal ni Kennedy tatanggapin niya kahit masakit sa kanyang puso. Ilang oras siyang umiyak ng umiyak sa loob ng kanyang kwarto. Namamaga na rin ang kanyang mga mata. Hanggang sa tinangay siya ng antok sa pag-iyak. Kaya nakatulugan niya na ang pag-iyak. Pagdating ni Kennedy sa tapat ng bahay ni Khala pagka park niya ng kanyang taxi. Lumabas siya ay mabilis ang kanyang hakbang papunta sa bahay ni Khala. Kinuha niyaya kaagad ang susi ng bahay ni

