bc

TAHONG ni KHALA RICH GIRL SERIES ONE

book_age18+
606
FOLLOW
6.1K
READ
HE
opposites attract
heir/heiress
sweet
lighthearted
small town
like
intro-logo
Blurb

BLURB

Nang makapagtapos si Khala sa kanyang pag-aaral bilang isang Business Administration, nakiusap muna siya sa kanyang Mommy at Daddy na bigyan siya ng isang taon para makapagpahinga. Gusto niya kasing mamuhay ng normal at simple sa isang probinsya. Ipinanganak si Khala Castro na may gintong kutsara sa kanyang bibig. Mula bata hanggang sa lumaki siya ay maraming siyang yaya at mga bodyguard na nakapalibot sa kanya kahit saan man siya magpunta. Kaya nang makatapos siya sa kanyang pag-aaral bilang Magna c*m Laude, ang tanging gusto niya lamang na regalo mula sa kanyang mga magulang ay payagan siyang makapunta sa probinsya kasama ang kanyang mga kaibigan. Kahit mayaman ang pamilya ni Khala hindi sila kagaya ng ibang mayayaman na mga matapobre. Kaya lumaki din si Khala na hindi namimili ng taong kakasalamuhain niya. Mayaman o mahirap pantay-pantay ang kanyang tingin sa mga ito. Katunayan nga ay mahal siya ng lahat ng kanilang mga tauhan sa mansyon. Dahil sa maganda na siya'y mabait, malambing at may respeto pa sa kapwa.Sa kanyang pagsama sa kanyang kaibigan sa probinsya doon niya makikilala si Kennedy Chrysler. Na ang tanging trabaho ay sumisid sa ilalim ng dagat para manguha ng tahong. Si Kennedy Chrysler ay binatang may matipuno at makisig na pangangatawan. Gwapo pero napaka-suplado naman. Anak siya ng isang dayuhan na nakilala ng kanyang nanay. Matapos buntisin ang kanyang nanay ay iniwan na lamang ito dahil may sariling pamilya pala ang dayuhan na minsan napunta sa kanilang lugar. Nang nagka-isip at lumaki si Kennedy mailap siya sa mga tao. Iilan lang ang kanyang kinakausap maliban sa mga kasamahan niyang sumisisid din ng tahong. Sa unang pagkikita ni Khala at ni Kennedy, na-star struck kaagad si Khala kay Kennedy. Kahit na 25 years old na si Khala, NBSB siya o NO BOYFRIEND SINCE BIRTH at hindi pa siya nakaramdam katulad ng nararamdaman niya kay Kennedy. Ngunit ang binata ay hindi man lang magawang tapunan ng tingin si Khala. Tanging nasa isipan kasi ni Kennedy na ang mga dayuhan ay pansamantala lamang sa kanilang lugar. Na kagaya lang sila ng kanyang tatay, matapos makuha ang gusto ay mang-iiwan na lang sa ere. Pero ginawa ni Khala ang lahat mapansin lang siya ng binata. Hanggang sa nagtagumpay nga si Khala na mapansin din siya ng binata. At unti-unti na ring nahuhulog ang loob ng binata para sa dalaga. Pero ang hindi alam ng binata na isa pa lang mayaman si Khala, at pinaka-ayaw niya ito sa lahat... ang isang mayaman. Dahil namatay ang kanyang nanay sa mga kamay ng mga mayaman na pinagtrabahuan ng kanyang nanay sa Manila. Hanggang sa nalaman ni Kennedy na ang pinagtrabahuan ng kanyang nanay ay ang sa mansyon mismo nila Khala. Sa natuklasan ni Kennedy mananaig ba ang pagmamahal niya sa dalaga o gagamitin niya ang dalaga upang makapaghiganti sa nangyari sa kanyang nanay. May pagkakataon ba na magkatuluyan ang isang mayaman sa isang taong mahirap na labis na labis ang galit sa mga mayayaman? Tunghayan natin kung paano manaig ang pagmamahal laban sa paghihiganti.

chap-preview
Free preview
CHAPTER ONE
THIRD POV. "Kaloka ka, bruha! sa dami-daming gusto mong maging trabaho. Ang pagbibinta pa talaga ng tahong diyan sa talipapa ang napag tripan mo. Kapag nalaman ng Daddy at Mommy mo ang pinagagawa mo, dito sa probinsya namin. Panigurado magpadala sila ng sandamakmak na mga tauhan para kaladkarin ka pabalik sa inyong mansyon." Sermon ni Analyn na kaibigan ni Khala. Nandito siya ngayon sa probinsya ni Analyn na best friend niya. Sa probinsya ng Mindanao, Lapaz Agusan Del Sur. Nakatapos na siya sa kanyang pag-aaral bilang Business Administration. Ngunit kinausap niya muna ang kanyang Daddy at Mommy na bigyan siya ng isang taon para makapag pahinga. Pagkatapos ng isang taon siya na ang uupo bilang CEO ng kanilang company. Nakiusap siya na walang bodyguard na kasama at maging simple lang sa paningin ng iba. Nag-iisang anak lamang si Khala. Simula pagka bata niya, isa na siyang milyonarya. Galing sa mayaman na angkan ang mga magulang ni Khala kaya sa kanya lahat mapunta ang lahat ng mana. Sinuportahan siya ng kanyang mga magulang dahil sa at mabait, masunurin, lalong lalo na mapag-mahal sa magulang at may respito sa kapwa. Kahit ipinanganak siyang mayaman, hindi siya kagaya ng ibang mayayaman na matapobre. Matulungin siya lalo sa mga taong nasa lansangan. Kaya n'ong nakiusap siya sa kanyang Mommy at Daddy. Medyo nag alinlangan pa ang kanyang mga magulang dahil sa probinsya ang gusto niyang puntahan. Sapagkat ang iba, gusto mag travel around the world. Pero iba si Khala gusto niyang mamuhay ng normal kagaya ng ibang ordinaryong tao. Gusto niyang maranasan ang simpleng buhay. Malayo sa kinagisnan niyang buhay. Kaya n'ong nalaman niyang uuwi ang kanyang kaibigan sa kanilang probinsya para pamahalaan ang malawak na taninman ng papaya ng kanyang Lolo, naisipan niyang sumama. "Hayaan mo na ako girl. At isa pa mas makalapit ako kay Kennedy baby boy ko." Inirapan lamang siya ni Analyn. Ang sinabing Kennedy ni Khala ay ang taga sisid ng tahong . Matipuno, malakas ang dating na kinagigiliwan ng mga kababaihan. Maganda ang hubog na katawan na parang batak na batak sa gym pero ang totoo sumisisid lamang sa ilalim ng dagat para kumuha ng tahong. Kapag makaahon na si Kennedy mula sa dagat pumipila ang mga kababaihan para bumili ng tahong na sinisid ni Kennedy. Sa unang dating nila sa probinsya mamasyal muna sila ni Analyn sa tabi ng dagat. Duon niya unang nakita si Kennedy na nagpatibok kaagad ng mabilis ng kanyang puso. Hanggang sa nagka kilala sila dahil bumili din siya ng tahong na sinisid ni Kennedy. Kaya n'ong araw na 'yun nalaman niya na taga sisid ng tahong ang trabaho ni Kennedy. Kaya naisipan niyang na komprahin ang lahat na tshong na nakuha ni Kennedy mula sa dagat. Ang akala ni Khala makalapit na siya sa binata. Ngunit ang binata napaka ilap sa mga babae. Matapos niyang mai-benta ang kanyang mga tahong na nasisid. Hindi mo siya mahagilap. Kaya sa dalawang linggo na pagtitinda ni Khala ng tahong nagbaba-sakali siya na mapansin ni Kennedy ang kanyang beauty. Pero hindi pa rin. "Dalawang linggo mo nang kinukompra at tinitinda ang tahong na nakuha mo kay Kennedy. May nangyari na ba sa pagpapansin mo sa kanya?" Nakataas kilay na tanong ni Analyn sa kaibigan. Sabado ngayon kaya walang trabahante si Analyn sa papayahan kaya naisipan niyang dalawin ang kaibigan sa kanyang apartment. Alas kwatro pa ng hapon ang umpisa ng pagtitinda ni Khala ng tahong. Hindi na siya pumupunta sa gilid ng dagat para hintayin ang pagdating ni Kennedy. Sapagkat si Kennedy na ang naghahatid sa talipapa kong saan ang pwesto ni Khala. Kapag hinatid ni Kennedy ang tahong kay Khala tanging tango lang sagot ng binata bago kunin ang bayad ni Khala. "Ito waley pa rin. Pero hindi ako si Khala kong susuko nalang ako basta basta. Mapapa sa akin din si Kennedy baby boy ko." Kompyansang sabi ni Khala kay Analyn. Umiinum sila ng kape habang patuloy sa pag uusap. Kahit buong araw walang kanin, Basta may kape lang, solve na ang araw ni Khala. "Girl ano kaya kong i-seduce mo si Kennedy? Magsuot ka ng sexy at heels tapos mag make up ka?" Suggestion ni Analyn. "Gaga! nagtitinda ako ng tahong na may shell. Hindi ang tahong kong ang ibibinta ko. Bakit ako magsusuot ng sexy na damit at mag heels. Baka imbis na tahong ang bibilhin sa akin. Tahong kong fresh at v ang bibilhin ng mga tao. Tanging kay Kennedy ko lang ito ibibigay." Binatukan naman siya kaagad ni Analyn sa ulo. Sa kanyang sinabi. "Bruha, ka! talaga. Kapag narito pa si Marlyn lagot ka talaga sa kanya. Diba nangako tayo na ibibigay lang natin ang ating V sa magiging asawa natin. At kong sino ang unang boyfriend natin 'yun na ang magiging asawa natin." Mahabang lintay ni Analyn kay Khala. Tatlo silang magkaibigan. Ngunit wala dito ngayon sa Pilipinas si Marlyn. Dahil pagka graduate nila ng highschool, kinuha siya ng kanyang Lolo at dinala sa ibang bansa para duon mag aral ng college. "May mali ba sa sinabi ko? Magaling sumisid si Kennedy ng tahong. Paano kaya kong sa tahong ko na siya sumisid? Magaling din kaya siya? Masarap?" Pag day-dreaming pa ni Khala. "Bahala ka sa buhay mo, bruha. Kapag ikaw iiyak dahil sa kabaliwan mo diyan sa Kennedy na 'yan. Huwag na huwag kang iiyak sa akin. Pero girl hindi ka na talo kay Kennedy. Kahit magpa anak ka nalang sa kanya hindi kana lugi." Kaya si Analyn naman ang binatukan ni Khala. "Bruha ka, hindi pa nga ako napansin ni Kennedy, anak na kaagad ang nasa isip mo. Gusto ko munang magpapa sisid sa kanya bago anak." Nakataas na kilay na sabi ni Khala. Ganito sila mag usap na magka ibigan. Akala mo nag aaway ngunit ganito lang talaga sila mag usap. Napaka balahura ng kanilang bibig na akala mo expert na sa ibang bagay. Pero kahit kiss hindi pa nila na experience. Alas tres ng hapon nag ayos na si Khala upang pumunta sa talipapa. Sumama na rin si Analyn para tulungan si Khala sa pagbibinta ng tahong. Tamang tama ang pagdating nila sa talipapa ng dumating din si Kennedy na dala ang isang banyerang tahong. "Miss, ito na ang tahong mo." Seryusong saad ni Kennedy ng nilagay niya na ang tahong sa mesa na gamit ni Khala. "Khala, ilang ulit kong sabihin na Khala ang pangalan ko. Hindi miss." Sagot ni Khala kay Kennedy. Nag iwas naman ng tingin ang binata sa dalaga. Hindi niya kasi kayang salubungin ang mga mata ng dalaga. Sa dalawang linggo nilang nagkakilala nakaramdam ng kakaibang pakiramdam ang binata sa dalaga. Ngunit sinasabi ng kanyang isipan na hindi pwedi. Dahil bakasyunista lang ang dalaga at hindi niya kilala ang pagkatao ng dalaga. "Salamat." Tanging nasabi ng binata matapos tanggapin ang bayad ng dalaga. Pagkatapos tumalikod na ito at tinungo ang kanyang bahay. Mag-isa na lamang namumuhay ang binata. Nang namatay ang kanyang Nanay mag isa nalang siyang nakatira sa kanilang bahay. Wala din siyang balak na kilalanin ang kanyang ama na nang iwan sa kanyang Nanay matapos buntisin. Hindi na nakapagtapos ng pag aaral si Kennedy dahil sa nawalan siya ng gana sa buhay ng namatay ang kanyang Nanay. Nagtrabaho ang kanyang Nanay sa Manila sa pamilya Castro. Ngunit isang umaga nasa loob na ng kabaong ang kanyang Nanay galing Manila. Pinatay daw ang kanyang Nanay ng kanyang among babae dahil sa selos. Kaya simula nuon, labis na labis ang galit ni Kennedy sa mga mayayaman. Bata pa siya nuon kaya hindi niya pa kayang mag higanti sa mga taong pumatay sa kanyang Nanay. Kaya ngayon tudo kayod siya sa pagta trabaho para maka ipon para makapag higanti sa mga taong pumatay sa kanyang Nanay. Ang pag-sisid ng tahong sa umaga ang kanyang trabaho. Pagsapit ng gabi umi-extra siya sa pag ta-taxi. Medyo malaki na rin ang kanyang ipon. Balak niya na sanang tumungo ng Manila para hanapin ang taong pumatay sa kanyang Nanay. Ngunit nag iba ang kanyang plano ng masilayan ang magandang mukha ni Khala. Kahit sinasabi ng isipan ni Kennedy na iwasan ang dalaga pero sinasabi ng kanyang puso na baka ito na ang babaeng nakalaan para sa kanya. Marami ang napapansin Kay Kennedy ngunit kahit isa walang nagustuhan si Kennedy. Ngunit ng masilayan ang maganda at maamong mukha ni Khala biglang bumilis ang pagtibok ng kanyang puso. Pagdating ni Kennedy sa kanyang bahay. Hinagis niya lamang ang kanyang beltbag sa mesa. Umupo siya at sumandig sa upuan. Pinikit niya ang kanyang mga mata. Ngunit sa kanyang pagpikit ang maamong mukha ng dalaga ang kanyang nakikita. "Snob, ang beauty mo girl. Miss ito na nag tahong mo." Paulit ulit na kantyaw ni Analyn kay Khala ng tinalikuran siya ni Kennedy. Nagkahaba haba naman ang nguso ni Khala at biglang nawalan ng ganang mag tinda ng tahong. Tudo effort pa naman siya na magpa ganda. Ngunit wala effect sa binata. Hindi manlang siya tiningnan. Kaya imbis na ibinta ni Khala ang tahong pinamigay niya ang mga ito sa lahat na taong dumadaan. Sa katunayan ang binta niya sa tahong binibigay niya sa mga bata sa kalsada. Kapag maubos ang kanyang tahong pumupunta siya sa kabilang baranggay para bigyan ang mga batang nasa lansangan. Gusto niya lang talaga magpa pansin sa binata gamit ang pagbili ng tahong. Pero hindi naman siya pinapansin ng binata. Nang mubos ang tahong magkasabay sila ulit ni Analyn bumalik sa kanyang ni-rentahan na bahay. Ayaw niyang sumama sa bahay ni Analyn para duon tumira. Gusto niyang maranasan ang simpleng buhay. Pagdating nila sa sa kanyang bahay. Nagpaalam na rin si Analyn na uuwi na sa kanilang bahay. Kaya pagpasok niya sa loob wala pa rin siyang ganang kumilos. Hindi na siya nagluto ng kanyang hapunan. Plano niyang bumili nalang nga balot at inasal sa kanto. Kahit mayaman siya sinanay pa rin siya ng kanyang mga magulang na kumain gaya lamang ng street food. Habang naka-upo at naghihintay si Khala ng kanyang pinaluto na inasal na manok at isaw. Ay siya naman pagdating ni Kennedy. Nagkagulatan pa sila at nagkatinginan ng ilang segundo. Unang umiwas ng tingin si Kennedy. At dumiretso sa ihawan para pumili din ng kanyang bibilhin. Yumuko naman si Khala dahil ayaw niya ng umasa na papansinin siya ni Kennedy. "Hi, mag-isa ka lang?" Napaangat ng mukha si Khala ng marinig niya ang boses ni Kennedy. Hindi makapaniwala si Khala nasa unang pagkakataon kinausap siya ni Kennedy. "Ako ba, ang tinatanong mo?" Paniniguro pa ni Khala habang tinuturo ang kanyang sarili. Ngumiti naman si Kennedy sa kanya at tumango. Halos kapusin naman ng hininga si Khala sa sobrang pagtibok ng kanyang puso. Dahil first time siyang ningitian at kinausap ni Kennedy. "Ikaw, lang naman ang tao dito, kaya malamang ikaw ang tinatanong ko." Sagot naman ng binata sa kanya. Tumabi ang binata sa kanya ng upo. Kaya mas doble ang lakas ng pagtibok ng puso ni Khala. Parang maiihi siya sa kilig sapagkat pinansin na siya ng bita at tumabi pa ng upo sa kanya. "Kamusta ang tahong mo." Biglang naman napa ubo si Khala. Dahil naging marumi ang kanyang isip sa tanong ni Kennedy. Kahit na ang tahong na binibinta niya ang tinanong ni Kennedy. Pero ibang tahong ang nasa isip niya. Kaagad naman siyang binigyan ng binata ng water bottle na hawak niya. Tinanggap niya kaagad at mabilis na ininum. Pakiramdam ni Khala natuyo bigla ang kanyang lalamunan. "Salamat." Pa cute na sabi ni Khala matapos inumin ang tubig. Nag-usap pa sila hanggang sa naluto na ang kanilang pinaluto na inasal. Magkasabay din silang lumakad pabalik sa kanilang mga bahay. Habang kinakain ang binili nilang inasal. Nauna ang bahay ni Khala kaysa kay Kennedy. Kaya ng nasa tapat na ng bahay sila ni Khala nagpaalam na ang binata. Hanggang sa pagpasok si Khala sa kanyang bahay. Hindi pa rin siya maka paniwala na pinansin na siya ng binata. Ang balak niya kanina na itigil na ang pag binta ng tahong. Ngayon gustong-gusto niya na ulit mag binta ng tahong na sini-sisid ni Kennedy. Parang baliw nagpa gulong-gulong habang yakap yakap ang kanyang sarili sa kanyang kama. Hindi niya lubos akalain na nagbunga na ang kanyang pag papansin sa binata. Hanggang sa nakatulogan niya na ang pag iisip kay Kennedy na nakangiti.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Journey with My Daughter

read
1.2M
bc

The Cold Billionaire

read
17.9M
bc

De Silva's Temptation

read
22.7M
bc

MAGDALENA (SPG)

read
32.2K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
30.0K
bc

Chasing his Former Wife- (Montreal Property 2nd gen.)

read
105.0K
bc

THE YOUNGEST GENERAL: DEANZ XANDER MONTEMAYOR (TAGALOG)

read
113.3K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook