CHAPTER TWO

2047 Words
"Salamat sa tulong Ken." Pa cute na wika ni Khala kay Kennedy. Simula n'ong nakaraan na gabi ng pinansin ni Kennedy si Khala sa may ihawan. Naging nagka kaibigan na silang dalawa. Tulad ngayon, pagkahatid kanina ng binata ng mga tahong niyang nakuha. Tinulungan niya si Khala na ilagay ng maayos sa mesa na ginagamit sa pagtitinda. Tumulong din ang binata sa pagtinda ng mga tahong hanggang sa naubos. Hinatid ni Kennedy si Khala sa kanyang bahay. Pagdating nila sa bahay ni Khala nagpa alam na rin ang binata na uuwi na sa kanyang bahay para magpahinga. "Aray." Napasigaw si Khala ng pinitik ni Kennedy ang kanyang ilong. Hinihimas niya naman ito. Saka sinamaan ng tingin ang binata. "Hoy, Ining. Umayos ka. Bakit ka ba naka pikit at naka nguso? Gusto mo ng halik ko nuh?" Nakangiting saad ng binata. Namula naman ang mukha ni Khala sa pagka hiya. Ang akala niya kasi tulad sa iba na kapag nagpaalam ang lalaki. Halik muna ang lalaki sa babae bago umalis. Pero bakit ba siya hahalikan hindi naman sila. "Hoy, lalaki. Anong akala mo sa akin, easy to get. Saka bakit naman ako magpapa halik sa'yo? Nakapikit lang ako sapagkat may biglang pumasok na maliit na insekto sa aking mata. Saka masakit ang mata ko. Kaya napanguso ako." Palusot ni Khala para hindi mahalata na nag di-dreaming siya sa harapan ni Kennedy. "Wee, aaminin mo na kasi. May gusto ka talaga sa akin eh! Pero sorry Ining strict ang parents ko kaya bawal muna." Pagbibiro ulit ni Kennedy. "Tse, Hindi din kita type." D'yan ka na nga." Napanguso nalang si Khala sapagkat nakaramda siya ng kirot sa kanyang puso sa sinabi ng binata. Walang paalam na tinalikuran niya ang binata. Mabilis ang hakbang niya papasok ka kanyang bahay. Kahit na tinawag pa siya ni Kennedy. Hindi niya ito pinapansin. Pakiramdam niya kulay kamatis ang kanyang buong mukha. Bakit ba kasi pumasok sa isip niya na hahalikan siya ng binata. "Khala, bukas maaga ko ihatid ang tahong mo. Para maaga kang makatapos sa pag binta ng makatulog ka ng maaga. Nang sa ganun hindi ka na pipikit pikit habang kaharap ako." Sigaw pa ng binata sa kanya. Ngunit hindi niya na sinagot. Padabog niyang sinira ang kanyang pintuan. Pagka pasok niya sa kanyang bahay. Kaagad siyang umupo sa kanyang sofa. Ang ganda ng araw niya ngayon. Kahit muhtik na siyang magpahalik Kay Kennedy. Kaya kahit medyo pagod siya ay okay lang. Ang mahalaga sa kanya nakasama niya ang lalaking unang nagparamdam sa kanya ng kakaibang pakiramdam. Marami na siyang nakasama at nakita na mga gwapong lalaki. Mga mayaman pa nga at mga anak ng business partner ng kanyang mga magulang. Pero hindi siya nakaramdam tulad ng naramdaman niya Kay Kennedy. Kapag makita niya si Kennedy parang may mga paro paro sa kanyang tiyan. Sobra din ang bilis ng pagtibok ng kanyang puso. Kapag titigan siya ng binata parang na hiptosimo na parang naglalakbay ang kanyang diwa . Hindi alam ng kanyang mga magulang na nagtitinda si Khala ng tahong. Kapag nagkausap sila, sinasabi niya na sumama siya kay Analyn habang namamasyal. Kinu-kwento niya sa kanyang mga magulang ang mga magandang lugar sa Mindanao. Kaya paniwala ang kanyang mga magulang na nag-i-enjoy si Khala. Ngunit sini-search lang ni Khala Ang mga magandang pasyalan sa lugar ni Analyn. Humiga muna si Khala sa sofa at pumikit para magpa hinga. Mamaya niya balak magluto ng kanyang hapunan. Sa mansyon nila kahit isang kutsara hindi niya naranasan mag hugas. Pero dito, siya ang lahat lahat na gumawa. Dito niya napag tanto na napaka swerte niya dahil pinanganak siyang mayaman. Naawa nga siya minsan sa mga kasamahan niya sa talipapa. Ang kita nila sa isang araw ay kulang pa. Ayaw niya man malaman ng mga kasamahan niya at ng mga tao dito na mayaman siya. Kaya kahit gusto niya man bigyan ang mga kasama niya ng kunting tulong. Ngunit hindi niya magawa. Pero kahit mahirap ang mga kasama niya, makikita naman sa kanilang mga mata ang masaya at kuntinto Smsa kanilang buhay. Sa kanyang pag muni-muni ang plano niyang iidlip lang nauwi sa mahimbing na pagtulog. Samantala sa labas ng bahay ni Khala sobrang nag-alala si Kennedy. Kanina pa siya tumatawag kay Khala mula sa labas. Ngunit hindi sumasagot ang dalaga. Nakapatay pa ang mga ilaw. Pag-uwi niya kanina sa kanyang bahay. Niluto niya kaagad ang nahuli niyang alimango. Nalaman niya sa dalaga na paborito niya ang malaking alimango. Tatlo naman ang nahuli ni Kennedy kaya naisipan niyang bigyan ang dalaga. Iwan ba niya gusto niyang alagaan at protektahan ang dalaga sa hindi niya alam ang dahilan. Simula ng nakausap sila n'ong gabing bumili siya ng isaw sa kanto napagtanto niya na mabait at medyo kaalog si Khala. Napansin niya sa dalaga na ang kinis kinis ng kanyang kutis. Ang ganda ng katawan. Maamo ang mukha na sobrang kinis. Sobrang napaka gandang babae na parang si Marian Rivera. Ang tangos ng ilong at ang hurma ng kanyang labi na kay sarap halikan. Ang lambot lambot ng mga palad ng mahawakan niya ito. Kaya parang hindi makapaniwala si Kennedy na mahirap ito. Pero naisip din ni Kennedy kong mayaman bakit magpaka hirap magbinta ng tahong at tumira sa probinsya. Napangiti pa siya kanina ng maalala ang ginawang pag pikit at pag nguso ng dalaga. Parang inimbita din siya kanina ng mga labi ni Khala. Ngunit sobra ang pag-pigil niya na huwag mahalikan ang dalaga. Hindi sa nagbubuhat siya ng sariling bangko. Pero sinasabi ng lahat na gwapo siya. Kamukha niya ang kanyang tatay na Americano. Lahat nga ng mga kababaihan dito nagpapahiwatig sa kanya. Ngunit baliwala lamang sa kanya. Pero si Khal unang beses niya palang makita may kakaibang nararamdaman na kaagad siya para sa dalaga. Ngunit palaging sinasabi ng kanyang isipan na dayo lamang siya sa kanilang probinsya. Matapos maluto ang alimango. Naglagay siya ng dalawang piraso sa tupper ware. Pagkatapos nilisan niya muna ang kanyang kusina bago lumabas. Nang masiguro niyang naka lock ng maayos ang kanyang bahay saka pumunta na sa bahay ni Khala. Pero kanina pa siya dito sa labas Hindi manlang sumagot ang dalaga. Hindi na mapakali si Kennedy sa labas ng bahay ni Khala kaya pinihit niya na ang maliit na gate na gawa sa kawayan at pumasok. Hinawakan niya ang sinadura ng pinto, mabuti hindi naka lock. Kinapa niya sa gilid ang switch ng ilaw dahil alam niya naman ito kong saan banda. Isang beses na siyang pumasok sa bahay ni Khala n'ong hinatid niya ang biniling tubig ng dalaga. Pagbukas ng ilaw ganun nalang ang pagka gulat ni Kennedy na mahimbing ang tulog ng dalaga sa sofa. Nakanganga na humihilik pa ito. Nakabukaka ba ang kanyang dalawang paa at ang kanyang kamay naman nabuka din. Napailing nalang si Kennedy. Hindi manlang nag lock ng kanyang pintuan. Hinubad ni Kennedy ang kanyang jacket saka maingat na nilagay sa nakabukakang paa ng dalaga. Mabuti nalang naka maong pants ito. "Masarap din kaya sumisid sa tahong mo?" Tanong ni Kennedy sa kanyang isipan. "Gago ka men! Pinag nanasaan mo ang tulog. Tahong lang sa dagat marunong kang sumisid. Pero sa tahong ni Khala, malamang hindi. At hinding hindi ka makasisid diyan." Kastigo ng kanyang isang isipan. Kaya bago pa, kong saan saan maglakbay ang malikot niyang isipan. Tinungo niya na ang kusina ni Khala. Nilapag niya muna ang hawak niya na tupperware na may laman na alimango. Tiningnan niya ang rice cooker walang laman. Kaya pinakialaman niya na ang kusina ni Khala. Nagsaing siya ng bigas at hinugasan ang isang plato na marumi at isang tasa. Habang hinihintay ni Kennedy maluto ang kanin. Pinagmasdan niya ang dalaga. Pagpasok kasi sa bahay ni Khala una mo makita ang sala. Tapos sa kaliwa naman ang kusina at sa kanan ang banyo. Dalawa ang kwarto ng kanyang bahay. Napaka linis ng bahay niya. Habang minamasdan ni Kennedy ang dalaga bigla nalang bumilis ang pag kabog ng kanyang dibdib. Kaya kaagad na tumalikod ang binta at tinuon na lamang ang kanyang mata sa rice cooker. Hindi akalain ni Kennedy na sa isang dayo pa siya magka gusto. Nagka girl friend naman siya dati, ngunit umalis ang babae patungo sa ibang lugar para duon mag-aral hanggang sa wala na siyang balita. Hindi naman gaano nasaktan nuon si Kennedy dahil mga bata pa sila. At hindi katulad ng naramdaman niya ngayon sa dalaga. Nang maluto na ang kanin. Kumuha si Kennedy nang dalawang plato at nilagay sa mesa. Sasamahan niya nalang ang dalaga kumain ng hapunan. Matapos niya mahalin lahat sa mesa. Pinuntahan niya na ang dalaga para gisingin. "Khala, K. Gising na. Kumain ka muna ng hapunan bago matulog ulit." Pag gising ng binata kay Khala. K ang tawag niya sa dalaga at Ken naman ang tawag ni Khala sa kanya. Napangiti pala sila n'ong parehas K pala ang ang kanilang first name. Niyugyog ni Kennedy ang balikat ni Khala. Ngunit mahinang ungol lang ang sinagot ng dalaga. Pero dumilat si Khala at tumingin sa binata na hindi kumukurap. "Kahit sa panaginip ko, ikaw pa rin ang nakikita ko? Bakit ba ikaw Aag nagustuhan ko?" Nabigla si Kennedy sa sinabi ng dalaga. Sasagot na sana si Kennedy ng pumikit ulit si Khala. "s**t, nanaginip lang pala siya Pero anong sinabi niya, gusto niya ako? Tama ba ang narinig ko?" Tanong ni Kennedy sa kanyang sarili. Parang may kong anong saya sa puso ni Kennedy. Ngunit natatakot siya na baka kagaya lang siya ng kanyang Tatay na matapos ang gusto. Basta basta nalang aalis. Bumuntong hininga si Kennedy at ginising ulit si Khala. Mas malakas niyang niyugyog ang balikat ni Khala hanggang sa tuluyan na ngang nagising ang dalaga "Ay, putang ina! Mag sasaing pa pala ako." Malutong na mura ni Khala ng magising siya. Hindi niya napansin ang binata sa kanyang harapan sapagkat nakayuko siya habang kinusot kusot ang kanyang mga mata. Sobrang mahimbing ang kanyang pag tulog. Napangiti pa sya ng maalala ang kanyang panaginip. Pumunta daw dito sa bahay niya si Kennedy at pinag lutuan siya ng hapunan. Hanggang sa kumunot ang kanyang noo ng may dalawang pares ng paa sa kanyang harapan. Tumigil siya sa pag kusot ng kanyang mata at dahan dahan na tumingin sa dalawang pare ng paa nasa kanyang harapan. Naka ngiting Kennedy ang kanyang nakita. Lumaki ang kanyang mata hindi pala siya nanaginip kanina. Dahil totoong nandito si Kennedy sa loob ng kanyang bahay. Biglang siyang napalikwas ng bangon mula sa sofa. "Mabuti at gising ka na. Kanina pa kita ginigising. Tulog mantika ka pa. Saka laway mo tumutulo." Pagbibiro ni Kennedy sa dalaga. Kaagad naman na hinawakan ni Khla ang kanyang labi sa pag akala na may laway nga siya. Ngunit wala naman siyang nakapa. Sinamaan niya ng tingin ang lalaki "Bakit, nandito ka? At paano ka nakapasok? Anong ginagawa mo dito." Sungit sungitan niyang tanong sa lalaki. "Kung nag lock ka sana ng pinto mo, bago ka natulog, E! di hindi sana ako nakapasok. Saka naka luto na ako ng kanin. May dala akong alimango. Gusto lang sana kitang bigyan. Ngunit kanina pa ako tumatawag sa'yo mula sa labas ng bahay mo. Hindi ka sumasagot. Kaya niyaya ko na ang sarili ko na pumasok." Nakangising sabi ni Kennedy kay Khala. "Kaya tara na kain na tayo. Para maka tulog ka ulit. Sa susunod bago ka matulog siguraduhin mong naka lock ang pintuan mo. Mabuti nalang ako ang nakapasok habang tulog ka. Kung ibang tao baka ginawan ka na ng masama. Parang sermon na sabi ng binata. Nangunot ang noo ni Khala sa sinabi ng binata. At napansin niya na may nakapatong na jacket sa kanya. "Tama ba ang narinig ko? Nakapag luto na siya ng kanin?" Tanong ni kaya sa kanyang isipan. Biglang may kong anong saya sa puso niya na malaman na pinag luto siya ni Kennedy. At concern pa ang binata sa kanya. "Plano ko lang sana pumikit. Hindi ko namalayan na napa himbing ako sa pagtulog. Salamat pala, mabuti nalang pumunta ka dito Ken." Wika naman ng dalaga. Ngumiti lang ang binata sa kanya at inalalayan na siyang tumayo. "Sa'yo ba ito?" Tanong ni Khala sa hawak niyang jacket. Kinuha lang ni Kennedy ang jacket sa kamay ni Khala at niyaya na ang dalaga patungo sa kanyang kusina para kumain na sila ng hapunan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD