"Wow, sarap Ken. Salamat. Ngayon lang ulit ako naka kain nito." Masayang pasalamat ng dalaga sa binata nang nagsimula na silang kumain. Ang binata pa ang humihimay sa kanya. Sarap na sarap naman sa pagkain ang dalaga. Lihim na napangiti ang binata dahil ang bilis sumubo ni Khala habang naka kamay pa ito. Parang wala siyang paki alam na may kasama siya iba. Wala na ulit nagsalita sa kanilang dalawa hanggang sa naubos nilang dalawa ang kanin at alimango. Napadighay pa si Khala sa sobrang busog sa pagkain. Siya na rin ang maghugas ng pinagkainan nilang dalawa. Nakaupo naman si Kennedy sa upuan habang pinapanuod ni Khala. Pagkatapos maghugas ni Khala sabay na silang bumalik sa sofa. Habang naka upo sila naalala ni Kennedy ang natanggap niya kaninang tawag mula sa may-ari ng taxi na pinapapasada niya. Kaya gusto niyang sabihin sa dalaga bago niya pa ito makalimutan.
"K, hindi na lala ako mangunguha ng Tahong. Regular na ako sa pagda drive ng taxi. Tumawag kanina si boss." Bigla naman lumungkot ang mukha ng dalaga. Wala sa silang oras ni Kennedy upang magsama ng matagal. Saka hindi na rin siya makapag binta ng tahong.bAyaw niya naman bumili sa ibang kasamahan ng binata. Dahil ang pakay niya lang naman talaga ay makalapit sa binata kaya niya binibili lahat na tahong ng binata.
"Dahil wala ka ng tahong na maibinta. Pinakiusapan ko si boss na ipasok ka sa kanilang tindahan bilang sale lady. Okay lang ba sa'yo 'yun. Mas okay duon kaysa magbinta ka." Wika ulit ng lalaki. Kaya umaliwalas ulit ang mukha ng dalaga.
"Okay lang ba sa amo mo? Saka kailan ka mag umpisa sa pag drive. At kailan ako mag umpisa." Tanong ng dalaga sa binata.
"Bukas na ako magsimula bilang regular. Ikaw sa susunod na araw daw. Aalis ang isa niyang sales lady kaya tamang tama na ikaw ang papalit. Ihahatid muna kita bago ako mag umpisa. Pagkatapos susunduin din kita pagkatapos ng trabaho. Para safe ka at hindi mahirapan." May kong anong saya sa puso ng dalaga dahil kahit papano concern sa kanya ang binata. Nagpa salamat siya sa binata sa tulong nito. Ang akala talaga ni Khala masungit ang binata. Nagkwentuhan pa sila hanggang sa nagpaalam na ang binata na uuwi na para makapag pahinga na rin siya.
"K, mag lock ka ng pintuan mo paglabas ko." Habilin ng lalaki ng ilang segundo siyang nakapag hinga pagkatapos nagpaalam na siya sa dalaga na uuwi na sa kanyang bahay. Alas dies na rin kasi ng gabi. Ngumiti ang dalaga saka tumango. Hinihintay pa muna ni Khala na maka labas si Kennedy mula sa kanyang gate at sinira ang kanyang pinuntaan. Sinigurado niya na naka lock ang pinto. Pagka lock niya, pumasok muna siya sa banyo para maglinis ng kanyang katawan. Sobrang busog siya sa kanilang kinain ni Kennedy. Simpleng luto lang ng alimango ngunit napakasarap. Iba kasi ang nakain niyang aimango sa mga mamahaling restaurant. Iba't ibang luto. Masarap naman pero ang dala ni Kennedy kanina ang pinaka masarap na natikamn niya. Matapos niyang makaligo at mag bihis. Humiga na siya sa kanyang kama. Naranasan niya rin ang simple buhay. Isang buwan na siya rito ngunit hindi niya manlang hinahanap ang marangyang buhay niya sa Manila. Hawak niya pa rin ang black card niya na kahit anong gusto niyang bilhin mabibili niya. Ang pagkakaalam nga ng kanyang mga magulang nasa mamahaling hotel siya nanatili. Sinabi niya kasi na huwag siyang pasusundan dahil gusto niyang walang nakaalam sa estado ng kanyang Buhay. Nagpapasalamat din siya na mga mababait ang mga taong nakilala niya dito. Balak niya kapag naging CEO na siya babalik siya dito para tulungan ang mga bata. Gusto niyang mag patayo ng school para sa mga bata. Nakaramdam na siya ng antok kaya nagdasal muna siya bago nakatulog ng tuluyan.
Alas dies na ng umga siya nagising. Dahil nga sa sinabi ni Kennedy kagabi na wala ng tahong kaya naisipan niyang pumunta sa bahay ni Analyn. Isang baranggay lang naman ang pagitan. Sasakay lang ng traysikel bago makarating sa bahay nila Analyn. Isang linggo din na hindi sila nagkita sapagkat harvest ng mga papaya kaya busy si Analyn sa pag asikaso. Minsan nga binibiro niya ang kaibigan na mabuti pa ang papaya maganda at mga malaki. Ngunit ang kay Analyn hindi. Kaya kapag magkasama silang dalawa puro tawanan lamang sila sa mga pagiging balahura nila.
Nagtimpla lamang siya ng kape. Kahit walang kanin buong araw. Basta may kape lang solve na si Khala. Sa isang buwan niya dito. Nasanay na rin siyang mamuhay ng simple. Pagkatapos niyang maubos ang kape. Pumasok na siya sa banyo upang maligo. Nagsuot lamang siya ng short at t-shirt at pinarisan ng tsinelas. Pagkatapos niyang gawin ang kanyang morning routine. Bitbit ang cellphone at maliit na bag. Lumabas niya sa kanyang bahay at nilock. Naglakad lang siya papunta sa kanto para mag abang ng traysikel papunta sa bahay ni Analyn.
"Khala, mukhang may lakad ka? Hindi ka ba magtitinda ng tahong ngayon?" Tanong ni Kaloy na kasamahan ni Kennedy sa pag-sisid ng tahong. Ngumiti siya sa binata bago sumagot.
"D'yan lang sa kabilang baranggay. Saka hindi na muna ako magtitinda ng tahong. Nag change career na ako." Pagbibiro niya sa binata. Sumabay na rin ang binata sa paglakad sa kanya. May bibilhin ang binata sa mercury drugstore kaya nagkataon na nakita niya si Khala sa daan. Habang nag uusap sila may biglang bumisina ng malakas sa kanilang likuran. Napatili naman ng malakas si Khala na sa pag-aakalang ma bunggo sila ng sasakyan. Nagulat din si Kaloy sa malakas na pagbusina ng sasakyan. Pero nasa gilid naman sila. Nang tumapat na ang sasakyan. Nakasimangot na mukha ni Kennedy ang nasa loob ng sasakyan. Taxi pala na pinag maneho niya.
"s**t ka pare. Bakit ba basta basta ka lang bumisina ng malakas. Ang akala ko katapusan ko na." Kinabahan na sabi ni Kaloy kay Kennedy na hanggang ngayon hindi maipinta ang pagmumukha na kay Khala ang tingin. Hindi manlang sinulyapan o sinagot si Kaloy. Hindi naman kaagad naka kibo si Khala sa pagka gulat o mas tamang sabihin na kinabahan din siya.
"Sakay." Maoturidad na wika ni Kennedy na naka tingin kay Khala. Nangunot naman ang noo ng dalaga sa inasta niya. Napatingin naman ni Kaloy kay Kennedy Hindi din makapaniwala sa kinilos ni Kennedy. Mula pagka bata nila magkasama na sila ni Kennedy. Ngayon niya lang nakitaan na ganitong ugali si Kennedy na parang uusok ang kanyang ilong at tainga sa galit. Ganun nalng ang paglaki ng mata ni Kaloy ng napagtanto niya ang lahat. Kaya kahit nagulat siya sa ginawa ni Kennedy bigla nalang siyang napa suntok sa hangin. At humalagpak ng tawa. Kung tama ang nasa isipan niya. Marahil ay nagseselos si Kennedy sapagkat may gusto si Kennedy kay Khala.
"Hanep ka pare, sana sinabi mo. Nag uusap lang kami. Saka ang kay Kennedy kay Kennedy lang. Ang kay Kaloy ay kay Kaloy lang." Nakangising saad ni Kaloy. Naguguluhan si Khala sa sinabi ni Kaloy habang palipat lipat ng tingin sa binata. Bigla namang natauhan si Kennedy sa kanyang ginawa. Kaya walang paalam na pinaharurot niya ang taxi na kanyang minamaneho. Tawa naman ng tawa si Kaloy.
"Hanep ka pare, in love ka na." Lihim na kausap ni Kaloy sa kanyang sarili. Dahil tinamaan na ni kupido ang kanyang kaibigan. Niyaya niya na si Khala na mag patuloy sa paglakad habang hindi parin mawala wala ang kanyang ngiti. Hanggang sa naghiwalay na silang dalawa. Sumakay na si Khala sa traysikel ngunit ang isip niya ay sa nangyaring eksina na ginawa ni Kennedy. Dumiretso naman si Kaloy sa mercury upang bumili ng gamot. Nakarating lang si Khala sa bahay ni Analyn na lutang ang pag-iisip tungkol sa ginawa ni Kennedy. Kung hindi pa nga siya sinabihan ng driver ng traysikel na nasa tapat na siya ng bahay ni Analyn hindi niya pa alam. Naguguluhan talaga siya sa kinilos kanina ng binata. Bumuntong hininga nalang siya saka lumakad papunta sa bahay nila Analyn.
"Bigla naman nahiya si Kennedy sa kanyang ginawa. Bigla nalang nag init ang kanyang ulo ng nakitang masayang nag-uusap si Khala at ang kaibigan niyang si Kaloy. Alas kwatro ng madaling araw siya kanina nag-umpisa namasada. Alas nuebe umuwi muna siya para kumain. Naisipan niyang puntahan ang dalaga para ipaalala na bukas na siya mag-umpisa sa kanyang trabaho. Ngunit pagdating ni Kennedy sa bahay ng dalaga walang tao at may kandado ang gate. Kaya umalis nalang si Kennedy. Habang papalapit siya sa kanto nakita niya si Khala at Kaloy na mag kasamang naglalakad at masayang nag-uusap kaya mabilis niyang pinaharurot ang taxi. At malapit na siya bigla nalang bumisina sa likuran ng dalawa. Iwan ba niya kong bakit nakaramdam siya ng galit mas lalo na selos. Hininto muna ni Kennedy ang taxi sa gilid ng kalsada at ginulo ang kanyang buhok. Hindi niya alam kong paano humarap sa dalaga at sa kaibigan niya. Ilang segundo pa siya nanatili sa gilid ng kalsada bago nag pasya na mamasada at uuwi nalang ng maaga para humingi ng sorry kay Khala. Uminum muna siya ng dala niyang tubig at pumunta na sa pila.