"Bruha bakit ba kasi mag trabaho ka pa, pinahihirapan mo lang ang iyong sarili. Bakit ba hindi ka nalang bumalik sa Manila para duon sa opisina niyo ikaw mag trabaho." Biglang tinakpan ni Khala ang bibig ni Analyn.
"Gaga, bunganga mo. Baka may maka rinig sa sinabi mo. Alam mo naman na ang pagkaka alam ng mga taga dito. Mahirap lang ako." Nagpa linga linga pa si Khla kong may malapit tao sa kanilang paligid. Mabuti nalang abala ang mga tauhan ni Analyn sa trabaho.
"Ano ba kasi ang plano mo? Bakit ka nagpa kahirap pa" Prensisa ka sa inyo. Dito maging sales lady ka lang? Dahil sa pag sinta mo kay Kennedy maninisid ng tahong?" Nakataas na kilay na sermon ni Analyn sa kaibigan. Sinabi kasi ni Khala na magtrabaho siya bilang sale lady at mag umpisa na bukas. Dahil hindi na kukuha ng tahong si Kennedy at mamasada na ng regular sa taxi. Sinabi niya rin na si Kennedy ang naghanap sa kanya ng trabaho. Hindi niya lang sinabi ang eksinang ginawa ni Kennedy sa kanila ni Kaloy.
"Hayaan mo na beshy. Isang taon lang naman. Alam mo ngayon lang ako nagka ganito sa isang lalaki. Hindi ko naman ipipilit ang aking sarili sa kanya na magustuhan niya ako. Lalo pa na hindi niya alam ang tunay kong pagkatao. Isang taon lang naman. Pagkatapos nito babalik na ako kong sino talaga ako. Kailangan ko lang maranasan ang isang maging simpleng babae na walang Yaya, walang bodyguard, walang sasakyan. Ang akala ko hindi ko kakayanin. Ngunit heto tingnan mo ako ngayon marunong ng maglaba, magluto at nabuhay mag isa." Proud pa na sabi ni Khla. Kaya napangiti nalang din si Analyn. Dahil napa bilib siya ng kanyang kaibigan. Kahit may ginto sa labi napa down to earth niya pa rin. Pero minsan nagtaka talaga siya sa trip ni Khala. Ang mga mayaman na kilala niya ay travel around the world ang gusto at mag lakwatsa ng pera. Party dito, party duon. Pero si Khala ito ang gusto. Kaya niyakap niya ang kaibigan.
"Alam mo naman beshy na narito lang ako sa'yo laging naka suporta. Basta kong ano ang problema nandito lang ako. At pasensya kong hindi na ako palagi nakadalaw sa'yo. Marami lang inasikaso. Huwag kang masyadong magpapagod sa trabaho." Madamdaming saad ni Analyn sa kaibigan habang mangunguha ng hinog na papaya. Tumulong na rin si Khala. Minsan tinatabi niya ang hawak niyang papaya sa papaya ni Analyn sabay tawa. Natutuwa din ang mga taong nakakita sa kanila. Malawak ang lupain na taniman ng papaya, pati na rin pinya at saging ng Lolo ni Analyn. Kaya dito sa lugar nila sina Analyn ang isa din sa mayaman. Ngunit katulad din siya ni Khala na low-key lang ang galawan. Masaya silang magkaibigan buong hapon. Nag enjoy din si Khala sa pangunguha ng mga hinog na mga papaya. Hanggang sa sumapit ang alas kwatro ng hapon kaya nagpaalam na si Khla na umuwi. Hinatid siya ni Analyn sa kanyang bahay gamit ang sasakyan ni Analyn.
"Besh parang may bisita ka." Untag ni Analyn kay Khala na malayo ang tingin simula ng bumyahe sila papunta sa kanyang bahay. Hindi nga napansin ni Khla na nasa harapan na sila ng kanyang bahay. Naisip niya kasi ulit ang ginawa ni Kennedy kanina. Nangunot naman ang noo ni Khla ng makilala ang sasakyan. Ang taxi na minamaneho ni Kennedy.
"Besh, Hindi na ako baba baka maka abala pa ako sa inyo ng prince charming mo." Kantyaw ni Analyn sa kaibigan. Dahil kilala niya ang may-ari ng sasakyan dahil minsan nakasakay na siya kay Kennedy. Tinaasan naman ng kilay ni Khala ang kanyang kaibigan bago nagpaalam na baba na.
"Salamat sa paghatid, besh. Nag enjoy ako buong maghapon." Pasalamat ni Khala sa kaibigan bago bumaba.
"Good luck! bukas sa first day mo sa trabaho. Ingat ka palagi besh." Tugon ni Analyn bago pinaandar ang kanyang sasakyan. Kumaway pa si Khala sa kaibigan bago hinarap ang lalaking nakatayo sa kanyang gate.
"Kamusta?" Nahihiyang bati ng lalaki. Keme naman ngumiti si Khala. Parang ang awkward sa pagitan nilang dalawa dahil parang nagkahiyaan sila kong sino ang una magsasalita.
"Ken, Ikaw pala? Kanina ka pa? Tapos kana sa pamasada?" Tanong ni Khala ng hindi nagsalita si Kennedy. Bumuntong hininga naman si Kennedy at seryuso ang tingin sa dalaga.
"Sorry kanina. Hindi ko din alam kong bakit ganun ang inakto ko." Nahihiyang wika ni Kennedy. Niyaya naman siya ng dalaga na pumasok muna sa loob ng bahay.
"Sus, wala 'yun. Hindi ko naman kukunin si Kaloy sa'yo. Nagkataon lang na nagkita kami sa labas. Papunta din siya sa kanto kaya magkasabay kaming naglakad. Grabi ka sana sinabi mong lalaki din pala Ang type mo." Sabi ni Khala kay Kennedy n'ong narito na sila sa loob ng bahay ni Khala. Bigla naman napa ubo si Kennedy sa turan ng dalaga.
"Anong sabi mo, na lalaki din ang type ko? Sa gandang lalaki kong 'to. Napagka malan mo akong bakla? Ganun ba?" Hindi makapaniwala na tanong ng binata. Napakamot naman ng ulo si Khala. Kanina niya pa kasi iniisip kong bakit ganun ang inakto ni Kennedy ng makita niya na magkasama sila si Kaloy. Parang nagseselos. Kaya naisip niyang type ni Kennedy si Kaloy. Dahil sinabi naman ni Kennedy na hindi siya ang type nito. Kaya malamang nagalit siya dahil nagselos siya na baka kukunin ko si Kaloy sa kanya.
"Ang akala ko lang naman. Nagselos ka kanina dahil kasama ko si Kaloy. Na ang akala ko may gusto ka sa kanya." Naka ngiwing sabi ng dalaga. Tumawa naman ng malakas si Kennedy. Sa isip isip niya lakas ng trip ni Khala. Pero buti nga naisipan ni Khala na ganun para hindi niya mahalata na nagselos naman talaga kanina siya kay Kaloy dahil magkasama sila ng binata. Kanina habang namamasada siya hindi siya mapakali kong ano ang sasabihin niya sa dalaga. Pero ngayon biglang nawala ang kanyang kaba na akala niya hindi na siya kakausapin ng dalaga.
"Babae ang gusto ko Ining. Kaya huwag mong isipin na bading ako. Pasensya na kanina akala ko kasi nawalan ako ng prino kaya napa busina ako ng malakas." Pagsisinungaling ng binata. Nahiya naman kasi siyang umamin na nagselos siya. Tumango naman si Khala sa kanya.
"Bakit ka pala nandito? Ano ang sadya mo sa akin. Akala ko pa naman kanina nang makita kita. Sabihin mo sa akin na layuan at hindi ko na kakausapin si Kaloy." Natutuwang sabi ni Khala. Ang totoo nakahinga siya ng maluwag. Ang akala niya magsimula na siyang mag move on sa taong mahal niya na hindi naman naging sila. Pero nagdiwang ang puso niya na hindi pala bakla ang gusto niyang lalaki.
"Kaya nga pala ako nandito para sabihin sa'yo na bukas ng alas siete ng umaga ang umpisa ng trabaho mo. Kaya alas sais y medya ng umaga susunduin na kita. At hihingi na rin ng pasensya sa ginawa ko kanina. Pati ako nabigla din sa ginawa ko." Saad ni Kennedy.
"Okay, Ken. Maraming salamat sa tulong. Dito ka ba maghapunan? Magluluto ako. Kamusta ang byahe, Hindi ka ba pagod ? ang aga mong umuwi ah?" Tanong ng dalaga sa binata. Biglang kumislot ang puso ni Kennedy. May kong anong saya siyang naramdaman sa kanyang puso. Simula ng namatay ang kanyang Nanay ngayon naman siya ulit nakarinig na may na ngamusta sa kanya. Pasimple niyang pinahiran ang kanyang luha ng maalala na naman ang sinapit ng kanyang Nanay.
"Hindi na K. Sa bahay nalang. Nagpunta lang talaga ako dito para sabihan ka. Kakarating ko lang din pagdating mo. Sige mauna na ako. Susunduin nalang kita dito bukas at ihatid sa trabaho mo." Tumayo na ang binata para lumabas sa bahay ni Khala. Nagtaka si Khala ng mapansin niya na parang may lungkot sa kilos ni Kennedy. Gusto niya man sanang tanungin ngunit nahihiya naman siya.
"Mag lock ka ng pinto. Saka ano pala ang cellphone number mo. Para kung sakali matawagan kita at matawagan mo rin ako." Wika ng binata. Naalala niya na mabuting may number siya sa dalaga para ma text niya ito para kamustahin. Ganun din si Khala para matawagan niya ang binata kung kailangan niya ng tulong. Pagkatapos nila magpalitan ng numero tuluyan ng nagpaalam ang binata sa dalaga. Hinintay muna ng dalaga na makaalis ang taxi saka sinara ang kanyang pinto. Pagkatapos pumunta na siya sa kanyang kusina para magsimula na siyang magluto ng kanyang hapunan. At makapag pahinga siya ng maaga. Nang maluto ang kanyang niluto na kanin at pritong bangus. Nagsimula na siyang kumain. Pagkatapos hinugasan niya ang kanyang pinagkainan at gumayak na sa kanyang silid. Nagpahinga muna siya saglit bago naligo. Pagkatapos maligo at magbihis. Humiga na siya sa kanyang kama. Pagkatapos niyang mag pray tinangay na siya ng antok at tuluyan na siyang nakatulog ng mahimbing.