"Bye, K. Bukas ulit. Ingat sa pag-uwi. Ay teka kasama mo pala ang prince charming mo. Kaya safe na safe ka pala pauwi." Pagbibiro ni Amy na isang kasamahan niya bilang sale lady. Uwian na nila kaya paglabas nila nakita nila si Kennedy na nakatayo katabi ng taxi na pinagmaneho niya.
"Loka ka, sige ingat din. Kita kits tayo bukas ulit." Paalam niya din kay Amy. Naging magkaibigan na rin sila ng dalaga simula ng mag-umpisa siya sa trabaho. Mabilis gumaan ang loob ng dalaga sa kanyang mga kasamahan. Minsan nakaramdam siya ng pagod kapag maraming costumer pero nag i-enjoy naman siya. Nagyakapan muna sila ni Amy, bago tuluyan naghiwalay sa isa't- isa. Malapit lang ang bahay ni Amy kaya nilalakad niya lang pauwi sa kanila. Samantala si Khala mga kinse minutos pa bago siya makarating sa kanilang bahay. Pagkalapit niya kay Kennedy binata siya kaagad ng binata.
"Kamusta ang trabaho, marami ba kayong costumer?" Tanong ng binata ng nasa loob na sila ng taxi.
"Medyo, pero keri lang." Sagot ni Khala na nakapikit. Sumandig siya sa upuan pagpasok niya sa loob ng taxi. Pinaandar na rin ni Kennedy ang taxi para bumyahe pauwi.
"Infairness sa binata buong hapon na mamasada pero parang fresh pa rin tingnan. Samantala ako sobrang hagardo versoza." Lihim na kausap ni Khala sa kanyang sarili.
"Wow daming lulutuin ah! May okasyun ba Ken? Tanong ng dalaga sa binata. Ang bilis ng panahon anim na buwan na rin si Khala sa probinsya. Anim na buwan na rin siyang nagtatrabaho bilang sales lady. Mabait ang mga kasamahan niya kaya wala naman problem kay Khala at gamalay niya rin ang pagiging sales lady. Simula n'ong nagkausap sila ni Kennedy naging mas malapit na sila sa isa't-isa. Mas lihim niyang minahal ang lalaki. Nalulungkot lang siya kapag iniisip niya na anim na buwan nalang babalik na siya sa kanyang tunay na pagka tao. Ngayon niyaya siya ni Kennedy na dito maghapunan sa kanila. Nagtaka siya na dalawa lamang sila pero maraming hinanda na lulutuin si Kennedy. Ngumiti si Kennedy sa kanya bago sumagot.
"Bakit, kapag may okasyun lang ba dapat magluto ng marami? Malaki lang ang kita ko ngayon kaya gusto kitang ilibre. Wala naman malapit dito na restaurant. Kaya naisip ko lang na ipagluto kita." Sumaya naman bigla ang puso ng dalaga sa narinig. Minsan napansin niya din ang mga titig sa kanya ng binata. Lalo sa kanyang pananamit. Kapag naka sleeve less o sexy ang kanyang suot. Ayaw ni Kennedy, sobrang expose daw sa ibang tao ang aking katawan. Kaya ngayon nasanay nang mag suot ng t-shirt at maong pants ang dalaga.
"Ang mabuti pa umupo ka nalang muna duon sa sofa. Ako na dito. Magpahinga ka. Alam kong pagod ka sa buong maghapon na trabaho." Wika ng binata. Gusto niya sanang tulungan ang binata pero ang sabi niya, siya nalang daw. Kaya imbis na sala si Khala umupo. Dito nalang din siya sa kusina umupo. Habang tinitingnan niya si Kennedy mula sa likuran. Napahanga siya sa gandanng katawan ng binata. Malaya niyang matingnan ng matagal ang katawan ng binata dahil nakatalikod ito sa kanya. Malaki pa yata ang pang-upo ng binta. Habang pinapantasyahan niya ang katawan ng binata. Bigla nalang naghubad si Kennedy ng kanyang pang itaas na damit. Kaya sa gulat ni Khala napatayo ito at napatili sabay takip ng kanyang mata galit ang kanyang dalawang palad
"Ken, anong ginagawa mo?" Biglang sigaw ng dalaga kaya napaharap ang binata. First time kasi ni Khala na makakita ng lalaking nakahubad ng katawan na siya lang mag isa. Marami na rin siyang nakitang nakahubad pero baliwala naman sa kanya. Pero ngayon parang pakiramdam niya pulang pula ang buo niya mukha.
"Ining mainit, kaya hinubad ko lang ang damit ko. Bakit ano ba ang masama kung hinubad ko ang damit ko? Ano ang nasa isip mo n'ong hinubad ko ang damit ko?" Nakangiting tanong ng binata. Umiwas naman ng tingin si Khala at kunwaring abala sa kanyang ginawa na pag punas ng mesa.
"Wala, sige na. Magluto ka na para maka kain na tayo." Sungit sungitan na wika ng dalaga. Napangiti naman ang binata at pinagpatuloy ang ginagawa. Habang nakatingin si Khala kay Kennedy bigla niyang naisipan na tanungin ang binata.
"Ken, marunong kana sa lahat. Pwedi ka ng mag-asawa. Bakit hanggang ngayon wala ka paring asawa o girlfriend? O baka may girlfriend kana pero wala dito?" Wala sa sariling wika ng dalaga. Habang nakatingin siya sa binata napahanga siya sa galaw ng binata. Ang bilis niya kumilos sa kanyang ginawa. Napansin din ni Khala na napaka linis ng kanyang bahay. Parang malinis pa nga sa bahay niya. Parang hindi lalaki ang nakatira. Napaubo naman ang binata. Nasa isip niya din na sa edad niyang 30 bakit nga ba hindi niya pa naisipan mag-asawa?
"Ano ba ang gusto mong maging asawa, Ken? Pagpatuloy na tanong ni Khala. Nag-isip muna si Kennedy bago sinagot si Khala na hindi humarap sa dalaga. Dahil pinagpatuloy niya ang pagluluto ng kaldiretang karne ng baka.
"Simple lang. Ang marunong din sa gawaing bahay. At kuntinto kong ano lang ang kaya kong ibigay. At lalong lalo na hindi mayaman." Sagot ng binata. Nabigla naman ang dalaga sa sinagot ng binata lalo na sa mayaman.
"Bakit ayaw mo sa mayaman?" Tanong ulit ng dalaga. Dahil naisip niya na wala talaga siyang pag-asa sa binata. Baka kapag nalaman ni Kennedy kong ano talaga ang totoo niyang pagkatao. Baka nagbago ang pakitungo ng binata sa kanya. Ngayon palang nakaramdam na siya ng kirot sa puso. Hindi niya napansin na humarap pala ang binata sa kanya.
"Bakit, bigla kang nalungkot sa sinabi ko na ayaw ko sa mayaman? Bakit mayaman ka ba? Kaya ngayon palang kapag mayaman ka ekis ka na sa akin." Pagbibiro ng binata. Napanguso naman ang dalaga.
"Joke lang. Alam ko naman na hindi ka mayaman kaya may pag -asa ka" nakangiting wika ulit ng lalaki. Tinaasan naman siya ng kilay ng dalaga.
"Bakit ikis ako? Hindi naman kita gusto?" Tumulo si Khala pagkatapos magsalita dahil Ang totoo natatakot siya na kong malaman ni Kennedy na isa siyang mayaman. Bumuntong hininga naman Ang binata at sumeryuso Ang mukha.
"Ang totoo ayaw ko talaga sa mga mayayaman. Hindi dahil isa sila sa dahilan kong bakit nawalan ako ng maaga ng Ina. Ayaw ko lang talaga sa mga mayayaman dahil lahat ng kilos o gawin kailangan may katulong. Busy sa pagpapayaman kaya wala ng panahon at oras sa maga anak at asawa. Kaya ako kahit simple lang basta may oras kami sa isa't- isa. Masay siya sa kung ano lang ang kaya kong maibigay." Paliwanag ng binata sa dalaga. Na hindi pinuputol ang tingin sa dalaga. Hindi naman alam ng dalaga kong iiwas ba siya sa mga titig ni Kennedy. Dahan dahan na lumapit si Kennedy sa kanya.
"Ang totoo may nagustuhan na akong babae. Ngunit naguguluhan pa ako sa ngayon dahil hindi ko pa siya lubusang nakilala. Saka hindi ko alam kung hanggang kailan siya dito. Kahit anong sabi ng isip ko na hindi pwedi pero ang sinasabi ng puso ko ay susundin ko ang tinitibok nito." Seryusong saad ng binata at kinuha pa ang kamay ni Khala pagkatapos dinala sa kanyang dibdib.
"Ke-ken." Nau-utal na wika ng dalaga. Dahil hindi niya alam kong bakit ganun ang sinabi ng binata sa kanya. Gusto na din ipagtapat ng binata ang nararamdaman niya sa dalaga. Sa anim na buwan na hatid sundo niya sa dalaga mas lalo niyang itong nagustuhan. Mas lalo niyang nakilala ang dalaga. Minsan may pagka kalog at balahura ang bunganga ngunit mabait at may respito sa kapwa. Mas lalo niyang nagustuhan ang dalaga ng minsan nakita niya ito sa gilid ng kalsada habang namumugay ng pera at pagkain sa mga bata. Unti unting nilapit ni Kennedy ang mukha niya sa mukha ng dalaga.
"Ken?" Tanging nasabi ni Khala ng isang dangkal nalang ang pagitan ng kanilang labi ng binata.
"I like you K, una palang kitang nakita kakaiba na ang nararamdaman ko para sa'yo. Sana hayaan mo akong ligawan ka. Pwedi ba akong manligaw sa'yo?" Biglang lumakas ng sobra ang pagtibok ng puso ni Khala sa sinabi ng binata. Matagal niya ng hinihintay na sana magustuhan din siya ng binata. Hindi niya lubos akalain na may gusto din pala sa kanya si Kennedy. Parang naduduling na siya sa titigan nila ni Kennedy. Hinapit siya ni Kennedy sa baywang kaya napahawak siya sa dibdib ni Kennedy. Unti unti siyang pumikit ng yumuko si Kennedy at nakatingin sa kanyang labi.
"Aw! wrong timing." Biglang napamura si Kennedy sa biglang pagdating ng kanyang mga kaibigan. Mabilis din na naitulak ni Khala si Kennedy. Hiyang hiya siya sa mga taong dumating. Baka kung anong isipin sa kanilang dalawa ng binata. Lalo pa na nakahubad ang binata na parang magkayakap pa silang dalawa.