CHAPTER SIX

2351 Words
"Pasensya sa disturbo pare, bro. Hindi namin alam na may kasama ka pala, sige alis nalang muna kami. Nakita namin kasi ang taxi mo sa labas ng bahay mo. Kaya dumiretso na kaming pumasok ." Wika ni Kaloy sa kaibigan. Gusto lang sanang surpesahin ng magkaibigan si Kennedy dahil kaarawan ng binata ngayon. Hindi na sila palaging nagkausap at nagkasama simula ng naging regular na sa pagmaneho ng taxi ang binata. Kaya ngayon nagplano sila na puntahan ang binata para samahan sa kanyang kaarawan. Ngunit sila pala ang nasurpresa sa nadatnan. Muntik ng maghalikan ang dalawa. Masaya naman si Kaloy para sa kaibigan. Simula kasi ng mamatay ang kanyang Ina at nalaman niya na iniwan lang ng Tatay niya ang kanyang Ina ng pinagbubuntis siya. Naging mailap na ito sa mga tao lalo na sa mga dayo at mayaman. Nagyon parang nabihag ang puso ng kanyang kaibigan ng isang dayo. Tatalikod na sana ang magkaibigan ng magsalita si Khala. "O-okay lang, huwag na kayong umalis. Tuloy po kayo." Nakayuko na nahihiyang wika ng dalaga. Pakiramdam niya pulang pula ang buong mukha niya. Dahil sa abutan sila ng mga kaibigan ni Kennedy na muntik ng maghalikan. Ano nalang kaya ang sasabihin nila sa kanya. Hindi niya kilala ang kasama ni Kaloy. Hinawakan naman siya ni Kennedy sa kamay para mas lumapit sa kanya. Umangat naman siya ng mukha ng maramdaman niya na pinisil ni Kennedy ang kanyang kamay. "Huwag ka ng mahiya mga kaibigan ko sila. Mga mabait sila kaya naiintindihan nila ang nakita nila kanina. Saka wala naman tayong ginawang masama. Pasensya kong pumunta sila. Hindi ko alam na pupuntahan nila ako." Bulong ni Kennedy sa kanyang tainga. Bigla naman nanindig ang balahibo ni Khala ng maramdaman niya ang init ng hininga ni Kennedy malapit sa kanyang leeg. Tumingin ang binata sa mga kaibigan at niyaya na tumuloy. "Happy birthday bro, pare. Kanina pa kami naghihintay nang tawag mula sa'yo kung ano oras ka uuwi para makapunta kami sa bahay mo. Kaya pala hindi mo na kami natawagan kasama mo pala ang irog mo. Kaya inimbita nalang namin ang aming mga sarili na pumunta dito." Sabi ni Kaloy na kusa ng pumasok sa kusina na may dalang isang case na redhorse kasama pa ang apat na lalaki na may bitbit din na iba't ibang pagkain at box ng cake. Nagulat naman si Khala dahil birthday pala ni Kennedy. Kaya pala niyaya siya ng binata na dito kumain ng hapunan. At maraming lulutuin. Isa isang bumati at kaibigan ni Kennedy sa kanya. Hindi naman alam ni Khala ang kanyang gagawin. Kung uuwi nalang ba siya o mamanatili dito kasama ang mga bagong dating. Nagpapasalamat naman si Kennedy sa kanyang mga kaibigan. "Pasensya na mga pare, wala naman akong balak na maghanda. Nagluto lang ako ng hapunan pero dahil nandito na kayo. Dito nalang kayo kakain. Marami naman akong niluto. Bakit nag-abala pa kayo." Sambit ng binata habang inaabot niya sa mga kaibigan ang mga dalang pagkain. "Nag-ambag ambag kami. Dating gawi, na miss ka namin. Kung alam lang namin na may kasama ka. Hindi na sana kami pumunta. Nakaka disturbo pa yata kami." Sabi ng naka blue na damit sabay kamot niya sa kanyang batok. Hinawakan muli ng binata ang kamay ni Khala para ipakilala sa mga kaibigan. "Mga pare, si Khala. Kaibigan ko. K si Tulits, Nestor, Jun at si Kwatro mga kaibigan ko. Kilala mo naman si Kaloy. Hindi mo sila nakita dahil sa kabilang baranggay sila nagta-trabaho. Pakilala ni Kennedy kay Khala. Akmang kakamayan na ng mga kaibigan ni Kennedy si Khala ngunit hinawi ni Kennedy ang mga kamay ng mga kaibigan kaya napangisi nalang sila. Umupo si Khala sa tabi matapos ipakilala ni Kennedy ang bagong dating na mga kaibigan niya. Tinulungan nila si Kennedy sa pagluto. Masaya silang nag-uusap at nagkamustahan na magkaibigan. Nakikita ni Khala sa clise sila sa isa't- isa. Kahit oala mahirap lang kapag nagkaintindihan at nagtutulungan napaka saya din sa pakiramdam. Matapos makaluto silang mga kaibigan ni Kennedy tulong tulong parin sila na hinain s a mesa . Kinantahan muna nila si Kennedy ng happy birthday. Pagkatapos hipan ni Kennedy ang cake. Nagsimula na rin silang kumain. Tudo asikaso naman si Kennedy kay Khala na simula pagdating ng kanyang kaibigan wala itong imik. Tanging tango at ngiti lang ang isasagot kapag kinausap siya. Panay naman ang sulyap ni Kennedy sa dalaga. Nagtaka siya kong bakit bigla siyang tumamlay pagdating ng kanyang mga kaibigan. O baka naisip ng dalaga ang muntik niya ng paghalik kanina. Hanggang sa natapos silang kumain wala pa rin imik si Khala. Nagtulong tulong pa rin sila sa pagligpit ng pinagkainan. Ayaw nilang pakilosin si Khala dahil bisita daw siya ng birthday celebrant. Pagkatapos nilang maglinis nilabas na ni Kaloy ang redhorse na pinalamig niya kanina sa ref. Alas otso na ng gabi kaya balak na ni Khala umuwi. Nakakahiya naman na mag inuman sila na nandito pa rin siya. Kaya nagpaalam na siya sa mga kaibigan ni Kennedy at Kay Kennedy na umuwi na. "Masama ba ang pakiramdam mo K? Bakit kanina ka pa matamlay at walang kibo?" Tanong ni Kennedy ng hindi na siya mapalagay sa kilos ni Khala. Hinatad niya ang dalaga at iniwan muna ang mga kaibigan sa kanyang bahay. "Happy birthday nga pala. Bakit hindi mo sinabi na birthday mo. Sana kahit paano bumili ako ng gift sa'yo." Wika na dalaga. "Sorry, nahiya kasi akong sabihin. Simula kasi ng mawala si Nanay. Hindi na ako naghanda, kanina lang. Hindi ko naman akalain na pupunta ang mga kaibigan ko. Pasensya kanina kung 'yun ang naabutan nila. Pero totoo ang sinabi ko K." Hinawakan ni Kennedy ang mukha ni Khala at tumingin ng seryuso sa dalaga. "Totoo ang sinabi ko na gusto kita. Na gusto kitang ligawan. Hindi man kita lubusan na kilala ngayon, handa akong kilalanin ka. Gusto ko din na kilalanin mo ako ng lubusan. Kaya bukas liligawan na kita." Wika ng binata na sobrang nagpabilis ng t***k ng kanyang puso. Parang mga paro paro sa kanyang tiyan. Hindi niya alam ang isasagot sa binata. Matagal niya ng gusto si Kennedy pero iba pala ang pakiramdam ng dalaga kapag nagtapat na ang binata sa kanya. Hindi namalayan ng dalaga na nakalapat na ang labi ng binata sa kanya. Banayad ang halik ng binata sa labi ng dalaga. Napapikit si Khala sa matamis na halik ni Kennedy sa kanya. Kahit walang lasa ang labi ng binata nakaramdam ng sarap ang dalaga. First time ng mahalikan kaya hinndi niya alam paano humalik. Mas lumalim ang paghalik ng binata sa kanya parang kakapusin na siya ng kanyang hininga. Maya-maya kusang tumigil si Kennedy sa paghalik sa labi ng dalaga. Sobrang hiya ng dalaga na ang Akala niya tumigil ang binata sa paghalik dahil hindi siya marunong humalik. ",Salamat K, kahit hindi mo sabihin. Alam kong ako ang nakaunang humalik sa labi mo. Sana ako din hanggang sa huli. Ang tamis ng labi mo K." Malambing sa wika ng binata ng dinala niya ang kanyang thumb sa labi ng dalaga na hanggang ngayon nakatulala pa rin sa paghalik sa kanya ng binata. "Masama ba ang pakiramdam mo? Gusto mo samahan nalang kita sa bahay mo? Dito nalang ako. Tatawagan ko nalang si Kaloy na sila nalang ang magpatuloy sa pag inum ng kanilang dak." Wika ulit ng binata na nagpabalik sa tamang wisyo sa dalaga. Kumurap kurap muna siya na baka nagde-day dreaming na naman siya. Katulad ng dati. Pero totoo na ngayon na hinalikan talaga siya ng binata. "Huwag na, okay lang ako. Nagulat lang ako kanina na birthday mo pala. Baka magtampo ang mga kaibigan mo na hindi ka sumama sa kanila mag celebrate ng birthday mo nag effort pa naman sila. Para puntahan ka." Nakayuko wika ng dalaga. Dahil hanggang ngayon hindi pa rin siya makapaniwala ni naghalikan na Sila ni Kennedy. "Tayo na ba?" Nakangiting tanong ng binata. Nangunot naman ang noo ng dalaga. "Sabi mo liligawan mo ako simula bukas. Tapos ngayon magtatanong ka kung tayo na? Ang bilis mo ha." Sungit sungitan ni Khala. Pero sa loob loob niya gusto niya ng tumili sa kilig. Pero dahil dalagang Pilipina. Syempre medyo pakipot muna. Sa isip isip ni Khala. "Liligawan pa rin naman kita. Basta uuwi lang ako kapag sinabi mo na tayo na. Kapag ayaw mo. Dito nalang din ako. Sasamahan kita hanggang sa umuo ka." Lumaki naman ang mata ni Khala sa sinabi ng binata. "Kennedy, bumalik ka na sa kaibigan mo. Kung ano ano ang sinasabi mo. Hindi ka pa nga nakainum, pero parang lasing ka na. Balik ka na sa bahay mo. Sige pasok na ako." Tatalikod na sana si Khala ng sumunod si Kennedy. "Hindi nga ako uuwi kapag hindi ka mag oo na tayo na. Seryuso ako K. Baka bukas ayaw mo ng ligawan kita. Kaya ngayon na kailangan mo akong sagutin. Naghalikan na tayo kaya panagutan mo na ako." Pagbibiro ng binata. Ang totoo lumakas ang loob niya na magtapat ngayon sa dalaga. Baka bukas mahihiya na siyang umamin kaya lubos-lubusin niya na. Gusto na rin magpahinga ni Khala dahil gabi na. At naisip niya rin na pagbigyan ang kanyang puso. Sapagkat anim na buwan na lamang at babalik na siya sa lungsod. Ngunit naisip niya kung babalik siya paano Sila ni Kennedy. Bumuntong hininga si Khala at sumeryuso na humarap sa binata. "Ken. Seryuso ka ba talaga? Baka pinagti-tripan mo lang ako. Dahil hindi naman lingid sa kaalaman mo na gusto kita. Pero hindi ko naman ipipilit ang sarili ko sa'yo kung hanggang kaibigan lang ang tingin mo sa akin. Kaya kung trip mo lang huwag mo akong paasahin. Gaya ng sabi mo dayo lang ako dito. Hindi natin alam kung hanggang kailan ako sa lugar niyo. Paano tayo kung magkalayo tayo. Hindi mo ako lubusang kilala. Kapag makilala mo ba ako kaya mo akong tanggapin o panindigan?" Seryusong tanong ng dalaga. Tumingin naman ng deritso si Kennedy sa kanyang mga mata. Dahil desidido na talaga siya sa dalaga. Kahit dayo o bumalik na ang dalaga sa kanyang lugar . Pwedi naman siguro maging sila pa rin. "K, aaminin ko n'ong una. Sinabi ko sa sarili ko na ayaw ko sa mga dayo dahil sa ginawa ng aking Tatay kay Nanay. Pero hindi ako magiging katulad niya na aalis nalang ng basta basta. Kung sakaling bumalik ka na sa inyo. Pwedi pa naman siguro na maging tayo pa rin. Pupuntahan kita sa inyo. Seryuso ako sa'yo K. Hindi kita pinagti-tripan. Gusto kita K. Matagal na. Natatakot lang ako nuon. Pero ngayon handa akong sumugal sa'yo. Kung ayaw mo pa akong sagutin. Nakahanda akong maghintay. Kung gusto mo ng magpahinga. Sige babalik na ako sa bahay. Susunduin kita dito bukas. Pumasok ka na bago ako aalis." Malumanay na saad ng binata. Ngumiti ang dalaga sa kanya at nagpasalamat. Tatalikod na sana ang dalaga ng kinabig ulit ni Kennedy at siniil ng halik sa labi. Una nagulat pa ang dalaga. Pero hindi nagtagal dahil sa magaling humalik si Kennedy unti-unting natutunan na rin tumugon sa paghalik ang dalaga. Yumakap na si Kennedy sa baywang ng dalaga. Si Khala naman kumapit na rin sa batok ni Kennedy. Huminto lang silang dalawa sa paghahalikan ng kinapos na sila ng kanilang mga hininga. Pinagdikit ni Kennedy ang noo nila ng dalaga sabay hagod niya sa labi ni Khala. "Tayo na, mahal. Kaya mahal na rin ang itawag mo sa akin. I love you K. Mahal kita. Sana mahal mo rin ako. Hindi kita pipilitin. Handa akong maghintay kung kailan mo ako mamahalin. Basta tayo na simula nagyon. Kusang hinalikan ni Khala ang labi ni Kennedy kahit Hindi pa siya gaano marunong humalik. Napangiti naman ang binata na kaagad tinugunan ng mas mapusok ang halik sa dalaga. Pero bago pa sila makalimot sa isa't- isa. Kusa na silang tumigil sa paghahalikan. "Umuwi ka na Mahal." Nakangiting wika ng dalaga sabay sara ng mabilis sa kanyang pinto. Kumatok pa ang binata pero hindi siya sumagot. Parang inasinan naman si Khala na panay tili ng mahina dahil baka marinig siya ng binata na panay pa rin ang katok. Hindi siya makapaniwala na may boyfriend na siya at first time na mahalikan. Maya-maya hindi na ni Khala narinig ang katok at tawag ni Kennedy sa labas kaya naisipan niyang sumilip sa labas. Dahan dahan niyang binuksa ang kanyang pinto. Ngunit ganun nalang ang pagkagulat niya ng may biglang yumakap sa kanya. "Yari ka, ano sabi mo kanila. Bakit mo ako tinakbuha at pinagsarhan ng pintuan." Nakangiting wika ng binata na ngayon ay yakap ng mahigpit si Khala. "Umuwi ka na nga. Baka magtaka ang mga kaibigan mo na hanggang ngayon hindi ka pa bumalik. Hintayin nalang kita dito bukas. Sige na uwi na. Gusto ko na rin magpahinga." Yumakap na rin ang dalaga sa binata. "Aalis na ako kung uulitin mo ang sinabi mo kanina." Napanguso naman ang dalaga saka mas yumakap ng mahigpit sa binata. "Mahal nga. Oo tayo na. Sana hindi mo ako sasaktan." Malambing na turan ng dalaga. Malawak naman ang pagakakangiti ng binata at kaagad na hinalikan muli ang mapupulang labi ng dalaga. Pakiramdam ni Khala parang namamaga na ang kanyang labi. Napasuntok sa sa hangin si Kennedy pagkatapos ng halikan nila ni Khala. Sobrang saya ng kanyang naramdaman. "Ang sarap ng labi mo mahal. Salamat. Pangako hindi kita sasaktan. Sige magpahinga ka na. Maaga akong pupunta dito bukas. Sabay tayo mag-almusal. Humalik muna ulit ng mabilis ang binata sa labi ng dalaga bago tuluyan lumabas sa bahay ng dalaga. Kumaway pa si Khala ng makalabas na ang binata sa kanyang gate na kawayan. Pagka sara niya ulit ng kanyang pinto. Tumili siya ng malakas. Hinawakan niya pa ang kanyang labi na parang naramdaman niya pa rin ang labi ng binata sa kanyang labi. Hanggang sa kanyang pagtulog hindi mawala wala ang kanyang ngiti sa kanyang mga labi. Pasipol sipol naman ang binata habang nagmamaneho ng kanyang taxi pabalik sa kanyang bahay. Sobrang saya ng kanyang puso na sa wakas sila na ni Khala. Kahit hindi niya pa lubusang kilala ang dalaga. Pero mas nangingibabaw ang kanyang pagmamahal para sa dalaga.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD