CHAPTER SEVEN

1477 Words
Alas kwatro ng umaga pa lang nagising na si Khala dahil excited siyang makita muli si Kennedy na boyfriend niya na ngayon. Nag init muna siya ng tubig para ihalo sa kanyang ipaligo na tubig. Sobrang lamig pa kasi ng panahon kaya hindi niya kaya ang maligo na walang mainit na tubig. Mabilis niya lang tinapos ang kanyang pagligo. Alas singko ng umaga natapos niya din ang kanyang morning routine. Ganun din ang binata. Nagising din siya ng maaga para dalhin ang mga natirang pagkain kagabi para sabay na sila ng dalaga kakain ng almusal para ihatid niya sa trabaho. Alas dies ng gabi umuwi ang kanyang mga kaibigan. Kaya pagka alis ng kanyang kaibigan pumasok na rin siya sa kanyang silid upang matulog. Ngayon alas singko na ng umaga natapos niya lahat na ilagay sa tupper ware ang mga pagkain. Nakatapos na rin siyang maligo. Nang masiguro niya na naka lock nga maayos ang kanyang bahay. Dumiretso na siya sa kanyang taxi upang tumungo sa bahay ng dalaga. Nagsusuklay na ng buhok si Khala nakarinig siya ng busina ng sasakyan sa labas. Alam niya na kaagad kung sino kaya hindi niya muna tinapos ang pagsuklay ng kanyang buhok. Bitbit ang suklay lumabas na siya sa kanyang silid upang pagbuksan ng pinto ang kanyang kasintahan. Pagbukas ni Khala ng pintuan nakita niya kaagad ang gwapong gwapo na kasintahan. Bagong ligo na rin ito. Naka suot ng itim na t-shirt at maong pants na bagay na bagay sa binata. Napatulala pa siya habang nakatingin sa binata. Ganito naman palagi ang suot ni Kennedy. Pero ngayon pakiramdam ng dalaga ibang iba na si Kennedy sa kanyang paningin. Mas lalo itong gumwapo. Nagulat nalang siya na may dumampi na labi sa kanyang labi. Hindi namalayan ni Khala na nakalapit na pala ang binata sa kanya. "Good morning, Mahal. Bakit ka nakatulala? Gwapong gwapo ka sa akin anuh?" Pagbibiro na tanong ng binata sabay hapit sa baywang ng dalaga at tuluyan ng pumasok sa loob ng bahay. Pagkasara ni Kennedy ng pinto sinandig niya kaagad ang dalaga sa pintuan at siniil ng halik sa mga labi. Hindi pa sanay si Khala at nanibago pa siya sa pagiging mag boyfriend, girlfriend nila ng binata. Kaya Hindi siya agad naka kilos sa ginawa sa kanya ni Kennedy. Ngunit kalaunan tumugon na rin siya sa mga halik ng binata. Tumigil lang sila ng kinapos na sila ng kanilang paghinga. "I miss you! Kamusta ang tulog mo, Mahal?" Tanong ng binata sa kanya matapos pagsaluhan nila ang mainit na halik. Nilagay muna ni Kennedy ang kanyang dala sa kusina at bumalik sa dalaga na hanggang ngayon nakatayo pa rin sa pintuan. "Mahal, bakit ang tahimik mo. Hindi mo ba gusto ang ginawa ko? Ayaw mo ba halikan kita?" Pagkuwan ay tanong ni Kennedy. Umiling naman ang dalaga dahil gustong gusto niya ang halik ng binata. Kahit walang lasa napakasarap sa pakiramdam ni Khala. "Nanibago lang at alam mo na hindi pa ako sanay na boyfriend na kita. Good morning. Ang aga mong pumunta dito ah? Ang akala ko ba nag inuman kayo kagabi ng mga kaibigan mo? Hindi ka ba puyat?" Tanong ng dalaga sa binata ng pinaupo siya ni Kennedy sa upuan at kinuha ang hawak niyang suklay. Nagulat siya at kinilig sa ginawa sa kanya ng binata sapagkat sinuklay ni Kennedy ang kanyang basang buhok. Pakiramdam niya ngayon sobra siyang mahal ng binata. Dahan dahan na sinuklay ni Kennedy ang buhok ng dalaga. Gusto niya simula ngayon alagaan niya ang dalaga. Simula kasi ng namatay ang kanyang Nanay wala na siyang inaalagaan na babae. Tanging Nanay niya lang ang pinag silbihan niya kapag wala siyang trabaho. Kaya simula ng nawala ang magulang ni Kennedy. Pagkatapos ng kanyang trabaho bilang pag-sisid ng tahong. Pag maibinta niya ang mga ito kaagad siyang uuwi sa kanilang bahay para magbihis at pupunta naman sa terminal para magpasada ng taxi. Ngayon kailangan niyang pagsilbihan at alagaan ang kanyang kasintahan. Matapos suklayin ni Kennedy ang buhok ng nobya dinampian niya ng mabilis na halik ang leeg ni Khala at niyaya na itong kumain ng almusal dahil mag alas sais y medya na ng umaga. Nanindig naman bigla ang balahibo ni Khla ng maramdaman niya ang pagdampi ng labi ni Kennedy sa kanyang leeg. Pero ang binata kiinidatan lamang siya at hinawakan ang kamay upang tumayo at ginaya sa kanyang kusina. Nilabas na ni Kennedy ang tupperware sa plastic bag at isa-isang binuksan. Nag init na rin siya ng tubig para mag timpla ng kape para sa kanila Ng dalaga. Lihim naman na napangiti ang dalaga sa ginagawa ni Kennedy. "Ganito pala ang may boyfriend?" Tanong ni Khala sa kanyang isipan. Sobrang kilig ng kanyang naramdaman. Pagkatapos magtimpla ng kape ni Kennedy tumabi na rin siya ng upo Kay Khala at siya pa mismo ang naglagay ng pagkain sa plato ni Khala. "Salamat Ken." Nakangiting pasalamat ng dalaga sa binata. Ngunit nangunot ang noo ni Kennedy sa sinabi ni Khala dahil hindi niya nagustuhan ang tawag ni Khala sa kanya. "Ken? Diba sinabi ko kagabi na dapat MAHAL ang tawagan natin? Dahil tayo na. Napipilitan ka lang yata kagabi sa sagutin ako." Tampu-tampuhan na saad ng binata. Hinampas naman siya ni Khala sa kanyang braso. Muntik pang mabulunan si Kennedy dahil saktong humigop siya ng kape ng hinampas siya ni Khala. Napangewe nalang si Khala at nag peace sign sa binata. Napalakas kasi ang kanyang paghampas sa balikat ng binata. Ugali Kasi talaga ni Khala na mang palo o hampas. Kaya hindi niya naiwasan na mapahampas ang binata. "Sorry, sabi ko kanina diba, na hindi pa ako sanay. Ikaw kaya ang first boyfriend ko. Kaya sorry na mahal." Paglalambing ni Khala sa binata. Malawak naman kaagad ang ngiti ni Kennedy sa kanyang labi. "Forgiven, Mahal. Sige na kain na tayo. Para makaalis na tayo papunta sa trabaho. Saka may iniwan ako sa taxi para mamaya sabay tayo kumain ng tanghalian. Pupuntahan kita. Kaya kapag tapos kana sa trabaho tawagan mo ako kaagad para makapunta ako." Tumango lang ang dalaga sa sinabi ng binata. Nagpatuloy sila sa pagkain na may kasamang harutan. Kaya kilig na kilig naman si Khala sa tudo pag-asikaso sa kanya ng binata hanggang sa makatapos sila sa pagkain. Ang binata na rin ang nag ligpit at naghugas ng kanilang pinagkainan. Bumalik muna si Khala sa loob para asikasuhin ang kanyang sarili. Pagkatapos niyang mag toothbrush nag lagay siya ng kunting lipstick at make up. Kailangan kasi na presintable sila sa mga costumer. Nang makuntinto na siya sa kanyang ayos lumabas na rin siya sa kanyang kwarto. Nakaupo na si Kennedy sa kanyang sofa sa sala. "Halika na mahal tapos na ako." Untag ni Khala kay Kennedy na abala sa kanyang cellphone. Ka text ni Kennedy si Kaloy dahil sinabi ni Kaloy, na may magnanakaw daw na nahuli sa kabilang baranggay. Ngunit ang mga kasamahan daw ay nakatakas. Kagabi daw pag uwi ni Kwarto at Tulits tumulong pa sila sa paghahabol sa mga magnanakaw. Kaya sinabi ni Kaloy kay Kennedy na siguraduhin na naka lock ng maayos ang kanyang bahay kapag aalis siya patungong trabaho. "Ay pasensya Mahal. Hindi kita napansin na nakalabas ka na pala. Halika ka na alas siete na ng umaga." Paglapit ni Khala sa binata hinapit siya Kennedy kaya magkadikit naman ang kanilang mga katawan. May kakaibang nararamdaman si Khala na hindi niya maipaliwanag. Nakaramdam na naman siya ng bolta-boltaheng kuryente na dumaloy sa kanyang buong katawan at sobrang bilis ng pagtibok ng kanyang puso. Hinaplos ni Kennedy ang pisnge ng dalaga sabay halik sa noo. "Ang ganda ganda mo talaga Mahal. Ang swerte ko na naging girlfriend kita. I love you." Malambing na saad ng binata. Kinawit din ni Khala ang kanyang kamay sa leeg ng binata at ngumiti. "I love you too, Mahal!" Sagot ng dalaga kaya hindi nakapag pigil ang binata. Siniil niya muli ng halik ang dalaga sa mga labi. Mapusok silang naghalikan. Piniga na rin ni Kennedy ang baywang ni Khala. "Ahhh!...." Napaungol na si Khala sa matamis na halikan nila ni Kennedy. Mas humigpit ang kapit ni Khala sa leeg ng binata. Patuloy pa rin sila sa paghahalikan na dalawa. Hinaplos ni Kennedy ang likuran ng dalaga. Nakaramdam na si Khala na pag-iinit sa kanyang katawan. Nang maramdaman niya ang mainit na palad ng binata na humahaplos sa kanyang likuran. Ganun din ang binata. Gusto niyang haplusin ang malambot na katawan ng dalaga. Pero bago pa sila makalimot sa sarili parehas silang tumigil sa paghahalikan. Ngumiti sila sa isa't-isa. Matapos pagsaluhan ang mainit na paghahalikan. Pinahiran ni Kennedy ang nag kalat na lipstick sa labi ng dalaga. Pagkatapos inalalayan ni Kennedy ang dalaga palabas ng bahay. Ni-lock ng maayos ni Kennedy ang pintuan ng bahay ni Khala pagkatapos inakbayan niya ang dalaga patungo sa naka-parada niyang taxi para ihatid niya muna ang dalaga sa trabaho. Bago siya mamasada.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD