KHALA "Best ayus ka lang? Pasensya kung hindi ako makaluwas ng Manila. Ang hinayupak na Shawn kung ano ano ang pinagsasabi kay Lolo na kaya daw ako pupunta sa Manila dahil may katagpuin daw akong lalaki. Alam mo best kung hindi ko lang mahal si Lolo matagal na akong nagpaka layo-layo para hindi makita ang pagmumukha ng lintik na Shawn. Nanggigil ako sa kanya best." Napangiti nalang ako sa mga sinasabi ni Analyn. Ngunit biglang kumirot ang puso ko sa sinabi niya na sumunod pala si Kennedy kay Richel sa Canada. Pinahiran ko ang aking luha na kusang lumabas sa aking mga mata. 6 months have passed pero dito pa rin sa puso ko ang sakit. Ang akala ko kaya ko na. Ngunit hindi pa rin pala. "Best, nan'dyan ka pa ba? Sorry best kung sinabi ko sa'yo. Kailangan mo din malaman. Alam kung masakit per

