PINUNO ni Slater ng hangin ang dibdib saka unti-unting ibinuga rin iyon. Nasa terrace siya ng condo unit ng matalik na kaibigan niyang si Patrick. Pagkatapos ng duty niya kanina ay kinuha lang niya ang kanyang gamit sa barracks at nagpunta na siya rito. Naka-leave siya nang dalawang araw kaya bukas ng umaga ay plano niyang umuwi ng Antipolo para makasama ang pamilya niya. “Isang round pa tayo,” ani Patrick mula sa kanyang likuran. Kababalik lang nito matapos ihatid sa ibaba ang dalawa pa nilang kaibigan. Pagharap niya sa lalaki ay may hawak itong apat na bote ng beer. Inilapag nito iyon sa lamesa at binuksan ang dalawa. Iniabot nito ang isang bote sa kanya. "May problema ba?" Nagtataka niya itong tiningnan. "Hindi ka kasi masyadong nagsasalita mula pa kanina," anito na nakatuon ang m

