HINDI maawat sa pagtawa ang mga nurses nila habang nakikinig sa kuwento ni Doc Rochelle, maging si Slater ay natawa na rin. Hapon na noon at wala nang masyadong ginagawa sa ward kaya nakapag-kuwentuhan sila habang kinakain ang meryendang bitbit ni Doc Rochelle. Bihirang magtungo sa ward nila ang babaeng doktor, tuwing grand rounds lang ito naroon, pero napansin niya na malapit talaga ito sa mga staff niya. Kung sabagay likas naman kasing mabait at makuwento ito. “That’s the first time I cheated and pumalpak pa ako,” ani Rochelle na panay ang tawa habang hindi nagku-kuwento. "That time, gusto ko talagang lumubog sa kahihiyan. Imagine, pati pangalan ng classmate ko nakopya ko!” "Para ka naman kasing xerox machine kung komopya, Doc, eh," natatawang sabi ni Glaiza. "Eh, ano po ang sabi ng—"

