NAPAKUNOT ang noo ni Slater nang maabutan niya si Albert at Irish sa pantry. Kapwa naman napalingon ang mga ito sa kanya. Basa ng luha ang mukha ni Irish, habang si Albert naman ay inalis ang kamay nitong nasa balikat ng babae at tumayo. "Ano'ng nangyari dito?" nagtatakang tanong niya sa dalawa. "Wala po," mabilis na sagot ni Irish pero kasabay rin nitong nagsalita si Albert. "Masama ho ang loob niya," ani naman ng lalaki. "Sir Albert," tila pasaway na sabi ng babae. Pinalo pa nito ang braso ng lalaki. Lalong lumalim ang gatla sa kanyang noo. "Bakit?" tuluyan siyang pumasok sa loob ng pantry. "Napagtaasan na naman ho siya ng boses ni Doc Moira," tugon ni Albert. "Kaya 'yan, nagpa-plano na ho 'yang mag-resign." "Ano?" gulat na sabi niya na bumaling ang tingin sa babae. Agad naman

