MARAHAS na nagbuga ng hangin si Moira at lalo pa niyang binilisan ang pagpedal sa stationary bike na nasa living area ng condo niya. Panay na ang tulo ng pawis niya pero tila balewala lang iyon, wala siyang maramdaman na pagod. Lalong napahigpit ang pagkakahawak niya sa hadle bar. Kahapon pa di mawala sa isip niya ang naabutan sa pantry. Naiinis na siya sa kanyang sarili. Sikapin man niyang isaksak sa isip niya na wala siyang pakialam kay Slater, kung bakit naman paulit-ulit na nagri-replay sa isip niya ang naabutan niyang pag-uusap nina Slater at Irish. Walang iwanan sa ere, ha? Naalala pa niyang sabi ni Slater kay Irish. Satkastikong nangiti siya, at pagkuway ay napailing rin. Kung makapagsalita, akala mo naman hindi siya nang-iiwan sa ere, tahimik na naisaloob niya. Parang lalo nama

