Chapter Thirty-two

1349 Words

PRESENT TIME KUNG maaari lang niyang i-scotch tape ang talukap ng kanyang mga mata para hindi iyon bumagsak ay ginawa na ni Moira. Kanina pa niya pinaglalabanan ang antok habang nagmamaneho pauwi. Bago umalis ng ospital ay uminom pa siya ng energy drink pero dahil sa tindi ng pagod at puyat niya ay mukhang hindi na iyon umepekto. Ilang sandali pa ay narating din niya ang Sunshine Condominium. Pagka-park ng kotse sa underground parking ay sumakay na siya ng elevator patungo sa tenth floor ng gusali. Pagkapasok sa unit ay inihagis niya sa sofa ang dalang gamit bago tinungo ang walk-in closet niya. Mabilis siyang nagbihis saka tinungo ang isa pang silid ng unit. Hindi pa siya nakakapaghapunan, at medyo nakakaramdam na rin siya ng gutom, pero sa ngayon ay mas kailangan niya ng pahinga. “Oh

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD