“HINDI ko talaga ma-imagine si Scarlet working in the middle of a rice field, `yong nasa initan at puno ng putik ang katawan,” natatawa na sabi ni Akira na pailing-iling pa. Kasama ni Moira ang mga kaibigan na nagdi-dinner sa a cafe-bar na pag-aari ni Iona at ng nobyo nitong si Dylan. Wala siyang duty ngayon kaya sinamantala niya ang pagkakataon na iyon para makasama ang mga kaibigan. Kanina ay sinamahan nila ni Perrie si Paige sa pagpili nito ng wedding gown. At pagkatapos ay dumiretso sila dito Metro cafe-bar para magdinner kasama sina Iona at Akira. Tanging si Scarlet lang ang wala sa grupo, pero wala man doon ang babae ay ito naging ang sentro ng usapan nila. Ikinuwento kasi ni Iona sa kanila ang mga nangyari sa babae buhat nang takasan nito ang ama at magtungo sa Cabanatuan. Lingid

