Chapter Twenty-two

1372 Words

KAKAIBA ang sigla ni Moira nang mga sumunod na linggo. Nagsimula na ang second semester sa ikatlong taon nila sa kolehiyo, tulad ng dati ay busy na ulit siya sa eskuwela pero hindi niya masyadong ramdam ang pressure ngayon. Hindi niya maipaliwanag, pero alam niya na isa si Slater sa mga dahilan kung bakit parang ngayon ay napakagaan ng lahat ng bagay para sa kanya. Tulad nang napagkasunduan nila, inilihim nila sa iba ang tungkol sa kanilang relasyon. Hindi iyon madali para sa kanya. Araw-araw kapag nagkakasalubong sila ni Slater sa campus o building nila ay sobrang effort ang ginagawa niya para pigilin ang sarili na kiligin sa mga simpleng sulyap at ngiti na ibinibigay nito sa kanya. Naaalala pa niya kung paano siya nagkandabulol-bulol noong first day ng class ng semester na ito. Nang l

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD